Thursday, April 27, 2006

Wag Kukurap.

Nagising ako ng 6:30 a.m para lang unahan yung dalawa kong bro maglaro ng PS2,(ganyan talaga kami, nag-uunahan) bumili ako kagabi ng Sims 2. Di ko nalaro, dahil sa kadahilanang nakipag-unahan sakin ang dalawa kong bros. kaya bago matulog, sabi ng kuya ko.. dapat daw pare-parehas kaming maglaro.. (bait noh? eh di nga ako magawang palaruin kagabi..) sabi nya: "Kung sinong unang magising bukas, sya unang maglalaro, tapos tig 2hours.. bawat isa. sunod-sunod.. mula dun sa unang nagising. Ano deal?" ang daya naman diba! Ako di ako nakapaglaro kagabi, dapat may +1 hour ako. Eh yun, syempre.. tinangihan ko.. pero may pahabol pang. "sige.. bahala ka, unahan na lang bukas. Buong araw ako.." ayun, napapayag nya rin ako..

Nagising yung dad ko, eh ayun.. narinig kong lumabas ng kwarto.. kahit na antok na antok pa ko eh tumakbo na ko papuntang sala, at naglaro ng PS2, tapos sumunod yung kuya ko, na kahit na antok na antok pa eh.. nakinood na rin, kasi ayaw nyang maunahan pa. kaya nga galit na galit sakin eh.. masyado daw akong maaga. tapos.. ayun, halos mangiyak ngiyak yung younger bro ko, dahil sya nga yung huli. haha.. ayun, 2 hours akong naglaro.. tapos sumunod si kuya, tapos si Warren (Yung isa ko pang bro).. tapos yun, wala ng pakelamanan sa oras, dahil umalis si kuya, sinamhan nya yung dad kong pumunta ng DOST. (Di ko alam kung anong ginawa nila doon.. hehe.) Kaya kami na lang ni Warren ang nagsalitan sa paglalaro.. habang naglalaro sya, ako.. nagttalk. hehe. Dumating yung dad ko, tapos dumiretso kami sa Dental Clinic. ayun.. pagka-uwi ko.. syempre.. ako na naman ang dakilang Tindera ng Tindahan namin.

PUEDE AKONG MAG-ARTISTA

Ayun.. habang nagiinternet, ako yung nagbabantay ng tindahan. (Galing noh?). Mga Bandang 6:00 pm.. (ngayon ngayon lang..) bumili na naman yung mamang ewan. Di ko sya kilala, Sa tagal ko na sa Subdivision namin, First time nyang bumili, Last Last week ata..

Eto yung nangyari last last week:
(Habang pinagbibigyan ko ng Marlboro)
Mama: Ilang taon ka na? (Eh parang mabait naman.. tsaka alangan namang di ko sagutin diba?)
Ako: 1-
Mama: 14??
Ako: 13 pa lang po..
Mama: Saan ka nag-aaral? Sa Kolehiyo?
Ako: Hindi po..
Mama: sa Mary Belle? (Hindi ulit) Dyan sa Kapayapaan?
Ako: Hindi rin po.
Mama: Eh saan?
Ako: Mary Help po..
Mama: Saan yun?
Ako: Dyan po sa may Ceris..
Mama: Ah.. (Tapos, pumasok na ko sa loob..)

Nung Hapon Last last week:
(Bumili sya ulit ng Marlboro)
Mama: (Parng bumubulong-bulong) .. Wag lang sana magbago yang mukha mo..
Ako: Ano po?
Mama: Neng, puede kang magartista.. 8)
Ako: Ah.. sige na lang.
Mama: Oo nga.. puede. sa Wag kukurap? Puede ka dun..
Ako: (Walk out..Kabadtrip yung mama eh. pag-aartistahin na lang ako.. sa wag kukurap pa?)

Kaninang 6p.m.:(Marlboro na naman)
Mama: Eto na naman yung kapitbahay kong artistahin o.
AKo: ...
Mama: Oo nga.. puede. may tiyahin ako dun.. gusto mong mag-artista?
Ako: ...
Mama: Kaso lang, syempre.. sa simula puede sa Wag kukurap ka muna.
Ako: ... Talaga lang ha?
Mama: Nung pangalan mo?
Ako: ... Thea po.

Tapos umalis na rin ako. Akalain nyo yun? Di naman ako ganun kapangit para pag-artistahin nya sa Wag kukurap di ba? Kakagigil yung mama eh.. hmf! Kala ko pa naman eh, masaya na araw ko.

Bloggers: Question po!! Ask ko lang, pano po ba maglagay nung smilies? nu po ba yun? kelangan pang i-upload sa image-hosting sites? o may code talaga para dun? Thanks po.

2 Comments:

Blogger -xen2- said...

aRruu.. ano ba yang mamang iyan! ka-engot! sarap batukan.. nyahaha.. maganda ka na sana e?! *teka.. nasu2ka ako* nyahaha.. ka2loka un a?! dpat tnanggap mo na rin ung offer?! malay mo?.. mging white lady ka dun?!.. o kaya.. extra.. ung tipong dumaan lang sa camera.. tpos kunyari, kaw ung mamaw.. o! ckat k na nun.. ga2wa kta banner!!.. gawa sa cartolina..
geh.. tama na ang pangla2it.. bubye!.. Ü

Fri Apr 28, 08:35:00 AM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

haha ano ka ba? hindi naman lahat ng nasa wag kukurap pangit noh! pwera na lang kung gagawin ko mumu..lol

nung blogger, inuuploadko lang smilies eh, dunno rin kung may codes for it..

Sat Apr 29, 12:05:00 AM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home