Saturday, April 21, 2007

NEW BLOG

http://pinkprincess.crayondrops.com
http://pinkprincess.crayondrops.com
http://pinkprincess.crayondrops.com
http://pinkprincess.crayondrops.com
http://pinkprincess.crayondrops.com
http://pinkprincess.crayondrops.com
http://pinkprincess.crayondrops.com

Wednesday, February 28, 2007

EXAMS. OVER.

Yey. haha. Sa wakas, after 3 days na napiga yung utak ko.. eh, okay na ulit sya ngayon, gumagana na ulit ng maayos. :) Asus. ANg hirap ng exams, haha. Nahirapan ako dahil sa katamaran akalain nyo yung sinasabi kong magiging inactive/semi-active muna ako sa online world eh hindi totoo, dahil habang nagtiteentalk, eh nagrereview ako sa trigo at geom. :D oh diba? hehe. :D Tapos, nagbabalak na kong magpakabit ng smartbro. :) Tingin nyo ba okay lang yun? Nababasa ko kasi, mga comments ng iba, na ang pangit daw ng smartbro. Ganyan, laging nadDC. Help! Wala na kasing PLDTmyDSL dito sa place namin, hindi na sila nagkakabit. Kaya Smartbro na lang ata choice ko. Tsk.

Hmm. ANo bang bago sakin? Napansin nyo ba ang bagong background music? > When you're dreaming with a broken Heart, by John Mayer. :) hehe. Nababanggit na sakin yan nila Aubrey yung kantang yan dati, pero narinig ko lang sya sa ETC (Veronica Mars) Kaya, ayun. Okay naman sya. haha. Ang ganda. Tapos nagstart na rin yung practices namin for Romeo and Juliet. Assigned ako sa pag gawa ng poster and invitations, isa ako sa mga gagawa nun. :) hehe. Kahit hindi ako ganun ka-artistic, okay lng, baka may maitulong kahit papano. hehe. Dalawa kasi yung ginagawa ko ngayon, eh medyo modern Romeo and Juliet yung ginagawa namin. And btw, ang ganda ganda ng boses ni Xen-xen, haha. A.k.a. Juliet.. Kasi nagpractice nga kami kanina. hehe.

Yung plano ko dun sa poster, dalawa sya, papapiliin ko na lang yung director namin, yung isa parang paper-doll themed na poster, mga bright colors, tapos parang pangbata yung mga images na nakalagay, tapos nagsastandout si Romeo and Juliet, tapos yung isa naman, classic, vintage. :) Color schemes na gagamitin ko dun eh shades of brown and beige. :) Ayun. haha. Ginagawa ko sya ngayon. :) Ang dami ko pang gustong ikwento, haha. Pero.. baka mapagod kayong magbasa, kaya eto na lang, magshishare ako ng pic na gagamitin ko for the poster:




Juliet and Romeo


Thursday, February 22, 2007

Still Waiting for my Prince.

Baka hindi ako makapagupdate ng ilang days, pero pipilitin ko. ^_^ haha. Dapat talaga ngayon, nagrereview ako kasi finals na namin sa Monday, pero dahil inatake ng katamaran, eto ko ngayon sa tapat ng computer at nagbablog. Oh diba? haha. :D kinokondisyon ko muna sarili ko para sa matinding reviewhan bago mag Princess Hours. hehe. hmmm. Wish me luck! Sana wala akong maibagsak na exams.

Tsaka nga pala.. Magkagalit parin kami ngayon. :( Pataasan at pataasan ng Pride noh? Ewan ko ba dun. Ayoko din namang magsorry dahil wala naman akong kasalanan sa kanya at baka lumaki lang ulo. Mayabang na nga, payayabangin ko pa. Tsk. Tsk. Tingin nyo? Mas mabuti ng sya naman ang magbaba ng pride ngayon. Kahit na nagpaprctice kami kanina para sa play namin sa Romeo and Juliet. Ako -- dakilang Extra. At sya naman si Romeo, eh taga tahi ako, talagang hindi ko sya hinahawakan at hindi ko tinatahian yung damit nya. :P Bahala sya. :D haha. Ang immature noh? Pero.. Ayaw ko din namang mapahiya. Baka sabihin non eh, magkagalit kami tapos todo lapit ako sa kanya. Basta. Bahala sya. -- sa totoo lang, miss ko na sya. :P sabay ganun eh noh? :P



He is my self inflicted pain, a preposterous diversion,
a momentary bliss,my blameworthy experience,
my poisonous religion, he is my annoyance
and yet he remains to be my only happiness.


Puro kadramahan eh noh? Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito, may girlfriend na yung tao,pilit ko paring ginugusto. hmmm. Pero.. Wala namang mawawala sakin diba? Tsaka di namanmasamang magkagusto ka sa isang tao, hindi ko naman sya inaangkin eh. :P Okay na saking,ganito na lang. :) Salamat na lang, kahit papano, eh araw araw ko syang nakikita. :)

Labels:

Wednesday, February 21, 2007

Random Post.

Hayy. Nakakapagod tong araw na to. Gaaaash. ;D Sobrang init pa dito sa Pinas. :P Kaya mas lalong nakakabanas eh. Ang dami pang requirements na dapat ipasa sa school ngayon, tapos wala pa kong subject na nasisimulang ireview. And FYI, Our Final exams will be next week. Dakilang tamad noh? >.< Dapat, gumagawa ako ngayon ng project sa Filipino at homework sa C.L.E, pero puro pagtiteentalk ang inaatupag ko, at pagbablog.

Ash Wednesday ngayon. ^_^ Syempre, may sacrifices din ako para sa Lent. ^_^ Hindi ako maglolad for 40 days. :) Kelangan man, Emergency o hindi. :) Makakaya ko kaya yun? Mahirap, syempre.. Sacrifice nga eh diba? haha. Alangan namang nagsacrifice pa ko, tapos yung iooffer ko, bagay na madaling madali lang gawin at wala man lang ka-effort effort. Kayo ba? anong iooffer nyo? :) hehe.

Tapos, may kwento pa pala ako sa inyo. >:( War kami ni BF ngayon. Sa mga nakaka-alam dyan, kilala nyo na sya, at dun sa mga hindi pa, his my "ex" best friend. :) haha. Wapake ako sa kanya, kahit crushie ko pa sya. Well. Umaamin akong affected ako kasi, walang usap talaga, tapos minsan, nagkakasagutan talaga. Pero. wth. Wag kang magpamukhang tanga, sa taong pinagmumukha kang tanga, dahil mas lalo ka lang magmumukhang tanga, dahil nagpapakatanga ka, sa isa pang tanga -- haha. Use Tanga in a sentence. ;D Sheemay, pagpasensyahan nyo na mga words ko. Pero, yun na ang da best term na naisip ko para mapaliwanag yan. :D haha. Get ready for the rant. Tentenen-tenen. Gaaaaaaaaaaahd. Nakakainis sya, haha. Pero, wala naman akong masyadong pakelam, gusto ko lang mainis ngayong mga oras na to. Kanina ba naman, e di.. Nalilinis ko yung blackboard, cleaners kasi kami kanina, eh hindi pa nakaka-alis yung history teacher namin, pero tapos na idiscuss na yung mga lessons na yun na nasa blackboard, eh di, nagtanong ako sa classmates ko, kung wala na bang kumukopya dun sa mga nakasulat sa kalahati ng blackboard, dahil bubuharin ko na nga, sumagot ba naman sya, at sa harapan ko pa,"Nagkaklase pa kasi eh..", ako naman, sumagot ng "Tapos na kasi eh.." (Kasi tapos na naman talaga, tapos, sabay banat naman nya (nung lumingon na ko, pero nakita nung close friend ko) "Talaga lang ha?" haha. Pero, okay na naman akong hidni sya pinapansin. I don't fuckin' care. :P Ewan ko, pero, Sa totoo lang, kahit crushie ko parin sya hanggang ngayon, hindi parin katulad ng dati na sa 'twing nag aaway kami eh, sobrang affected ako. :) And I think, mali. Erase. I know, that I'm finally starting to move on. :D At sobrang babaw ng pinag-awayan namin, haha. Kala nya magsosorry ako sa kanya, pride ko pa aasahan nyang bumaba para sa kanya. Excuse me, crush ko nga sya, pero hindi ako desperada para ibaba yung pride ko sa wlang kakwenta kwenta at kababawang pag-aaway na yan. Bahala sya.

Geeee- Next week na Final Exams namin. :D Wish me luck Guys. :)

Monday, February 19, 2007

Hindi lahat ng bagay sa mundo ay naka-ayon sayo.

Hello. Ang tagal kong di nakapagpost ah? Promise ko sa inyo, madalas na kong maguupdate sa bloggie kong to. Kawawa naman eh. :D hehe. Sa tagal kong di nakapagupdate, madami na din akong napagdaananan. (Mala telenobela eh noh?) hehe. Madami na rin akong natutunan at narealize. Mga pagkakamali ko, at mga bagay na minulat sakin ng taong nasa paligid ko.

1.)Ang lahat ng bagay ay may katapusan

Dati pa lang, alam ko ng totoo to, pero ngayon ko lang sya napatunayan. Lahat may katapusan, kahit na ang buhay ng tao ay may katapusan din. Pero.. Ano ang dapat ginagawa sa 'twing natatapos ang mga bagay na ayaw mo sanang matapos na? tanggapin natin ito, at mag move-on na. Kahit anong gawin mo, mahirap ng ibalik, hindi pala mahirap.. HINDI mo na maibabalik ang lahat ng bagay na natapos na, dahil tapos na nga eh.

2.) Hindi umiikot ang mundo sayo

Sa totoo lang, inaamin kong dati ko na rin iniisip na umiikot ang mundo ng mga nakapalgid sakin, sakin. Hindi literal na umiikot, pero.. ANg ewan noh? Sa 'twing may nalulungkot, sa 'twing may problema, sa 'twing may saya, feeling ko lagi akong kasama. Kaya halimbawang, nalulungkot yung katabi ko, minsan.. Naiisip kong kasali ako sa problema, naiisip kong baka ako ang dahilan, naiisip kong ako ang kailangang tumulong. Pero. ANg totoo -- malabong mangyari yun. Napagtanto kong hindi sa lahat ng bagay, kasali ako, hindi sa lahat ng situation, napapasok ako. Isa lang akong kapirasong tuldok sa mundo, minsan, Isang taong walang nakakapansin kahit na sino.

3.) Wala ka ng mapagkakatiwalaan ngayon

Sa mundong puno ng kaplastikan at puno ng taong mga nakamaskara, wala ka ng mapagkakatiwalaan kundi ang pamilay mo, sarili mo at ang Diyos. :P Madami nga akong kaibigan, napagsasabihan ko ng kun anu-ano, ng bigla na lang akong mauntog at nagising na tumatahimik na lang sa isang tabi at ayaw ng magsalita ng kung anong personal sa kahit na sino -- kahit na sa closest friend ko. Hindi ko alam kung nagsawa lang ako sa kakakwento, may nakikinig nga, pero walang nakakaintindi.. O, natakot lang akong matatak sa isip ko na, sa paglipad at pagbagsak ko, walang andyan para humawak sa kamay ko.

4.) Wag kang manghuhusga ng kapwa mo

Kasama narin rito ang pambibintang, panlalait, panghuhusga. Inaamin kong madalas akong gumawa ng ganito, pero ngayon, pinipilit ko ng iwasan to. Dahil may sarili akong buhay, hindi dapat sinasayang ito sa paninira sa kapwa mo. Ang hindi panghuhusga sa kapwa ay isa rin sa mga utos ng Diyos. Inaamin kong minsa'y naging isang mababang uri ako ng tao, dahil nanghuhusga ako ng ibang tao, pinagtawanan sila sa twing nakatalikod, pero.. narealize ko, na mabababang klase lang ng tao ang gumagawa nito, ang mga taong walang magawa sa sariling buhay nila at pinupuntirya na lang ang buhay ng iba. At dahil din sa English Subject namin, Topic: Deconstructionist literary approach. Narealize ko na, kahit ilang years ko mang pag-aralan ang buhay ng isang tao, hinding hindi ko malalaman kung sino nga ba talaga sya, kung pinapakita nya ba ang tunay na sya o hindi, kaya walang magagawa ang panghuhusga ko, dahil hindi naman ako yung taong yun at wala akong alam kung ano ang totoo tungkol sa kanya, kahit buong buhay ko ang gmitin ko para lang pag-aralan ang buhay nya.

5.) Wag mong ipagpilitan ang bagay na hindi puede, dahil magmumuka ka lang tanga

Wag kang magpapaniwala sa mga bagay na nakikita mo sa tv, na kapag may nagustuhan ka, at nagsikap ka para makuha ito, ay makukuha mo nga. Hindi lahat ng bagay ay para sa'yo, minsan, kahit anong gawin mo, dugo't pawis man ang ibuwis mo, may mga bagay na hinding hindi mapupunta sayo, kaya kung alam mong hindi na puede.. Sumuko na lang at humanap ng iba, ano pang magagawa ng paghihintay mo? Kung sa huli ay wala lang din pala, kahit konting pag-asa, wala kang makita. (Pero kung may pag asa naman. SUportahan taka, takbo lang ng takbo) Pero, kung ayaw sayo, mahalin mo naman ang sarili mo, at hwag mong hayaang magpakatanga ka sa isang tao.

Tuesday, December 26, 2006

TTALK.

Hay. Ilang days na lang, It’s back to school na naman. Rawr. Wala pa nga akong nasisimulang homework, pasok na ulit. Oh well, I’m gonna start doing my assignments later, maybe during New year’s eve. Haha. Para gawa ng gawa ng homeworks the whole year. Haha. And maybe I’m gonna have my haircut or get my hair trimmed at December 31, before New year, so I can get rid of all the bad stuffs and bad luck (according to Feng Shui) There’s no harm naman in believing in these kind of stuffs diba? J Hay. Napaakaboring ng Christmas Break ko, puro TEENTALkang inaatupag ko. Pero okay lang, enjoy naman dun eh. Naging part na to ng buhay ko, bukod sa pagpasok sa school, pagtira sa bahay, naging isa na rin sa mga napakahalagang “events” ng buhay ko ang pag-upo sa tapat ng pc at buong araw na pagttalk. Kaya nagpapasalamat ako kay MINETTE. (Kahit hindi nya nababasa to) dahil sa pag-introduce nya sakin ng ttalk. Lahat ng mga nakilala ko sa ttalk, lalo na yung mga naging kaclose ko talaga, kahit hindi ko pa kayo nakikita sa personal, naging parte na talaga kayo ng buhay ko.

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga ttalkers, through thick and thin, for better or for worse, andyan kayo sa tabi ko, hindi kayo nang-iwan, sa twing kailangan ko ng ka-chikahan, at kakwentuhan, lagi kayong nariyan. Maraming Salamat.

Gusto kong pasalamatan lahat, lalong lalo na tong mga taong ito. Hinding-hindi ko talaga kayo makakalimutan. (Parang mamatay na ko, pero hindi natin alam.. haha. Baka bukas o sa isang araw, mawala na ko, at least nakapagpasalamat man lang ako sa inyo.)


My dhearest Lola Karen (karendvd):: Thankyou. Sa 1 taon mahigit na pagttalk ko, para sakin, eto talaga yung naging pinakaclose ko sa lahat. Hindi na sya masyadong active sa ttalk, pero hanggang ngayon, nakakausap ko parin sya. Alam nya lahat ng nangyayari sakin. (haha. Hindi naman masyado, pero parang ganun narin) Kilala nya yung mga nakakaaway at nakakatampuhan ko, kilala nya kung sinong crush ko, lahat lahat na. Hindi ko man sya kakilala sa personal, sya na ang the best na lola na nakilala ko. Lahat nasasabi ko sa kanya, yung mga bagay na kahit sa mga kabarkada ko eh hindi ko nasasabi. Hindi para may mapagsabihan lang ako, dahil alam ko namang di nya ako kakilala at yung mga taong kinikwento ko sa kanya sa personal, pero dahil andyan lang sya nakikinig. Ang corny noh? Pero totoo. Sa twing may nangyayari saking maganda, kilig moments, iyakan, tampuhan, tsaka masasamang bagay, sya unang pumapasok sa isip ko sa twing kailangan ko ng mashisharan. Naalala ko pa nga, nung active pa to sa ttalk. Talagang todo kwentuhan kami, sobrang hahaba, parang nobela na kung titignan mo, at napakaliliit ng fonts, haha. Sa twing wala akong magawa, andyan lang sya, isang text lang. Kaya mahal na mahal ko tong lola ko tong eh. Di nya ko pina pabayaan. Haha. Minsan, sabay pa kami sa pagiging heart broken, at pagiging masaya. Kung magkabaliktad man, eh.. dinadamayan nya ko, malungkot man o tumatawa. Sa kanya rin nag-originate, haha. I mean, sa kanya ko unang ginamit yung codename na bf – best friend, dati, sya lang talaga nakaka-alam ng codename na to. Ayun. Hehe. Lola, salamat po sa lahat lahat, hinding hindi kita malilimutan, tsaka kung kailangan mo ng apo, kachikahan, kaibigan, ka-iyakan, kadramahan, kailangan mo ng mapupuntahan, lagi lang akong andito. Isan IM lang sa Ym, o kaya’y isang text mo lang, sisikapin kong tulungan ka. Haha. I love you lola! Thank’s for always being there, and for being a part of my life.. Thanks sa pagdating mo. I love you. Teecee.

Ang dyosang si ate Irish :: Ate Rishie. Haha. Simula pa lang, magaan na loob ko dito, napakasweet kasi tsaka napakathoughtful. haha. Isa din sya sa mga pinakadabest na naging ate ko sa ttalk. Sa ngayon, sya ang pinaka-updated din sa lovelife ko, haha. Todo chismisan kami nito pag nagkasabay sa YM. Napakagaling din nitong magdrawing sa paint, nafeature nga yung mga drawing nya sa Anything goes sa isang ish ng Candy. Check nyo minsan, nalimutan ko na kung anong ish yun. Haha. Naalala ko pa, mga unang chat namin nito, todo pakitaan ng drawing. Kahit hindi ako marunong, haha. Ok lang sa kanya.. Mamamangha kayo pag nakita nyo drawing nito, ang cute. Parang hindi sa Paint ginawa. ;) hehe. At sya din nagpangalan sa aking crushie ng YANYAN. Haha. Na nakuha kay kuya NyamNyam. O diba? Hehe. Tsaka napakamaalalahanin nitong taong to, naalala ko din dati, nung mga oras na nagdadrama ako sa bloggie ko at nagggm ako ng kadramahan, eh nung mga panahong yun, hindi sya active, pero.. nung nagbalik sya, tapos nakachat ko sya, ayun. Nagsorry sya dahil wala sya nung mga oras na yun. Ate Rishie, hindi mo na siguro yun natatandaan, pero.. wala lang. natouch ako dun sa sinabi nya, haha. Kasi, alam mo yun? Yung alam mong kahit papano, kahit wala sya dyan, kahit hindi mo nakakausap, talagang maaasahan mo na kapag lumapit ka sa kanya, aasikasuhin ka nya. Na.. kahit hindi sya active nun, nandun lang sya. Alam kong nag-aalala. Salamat ate Rishie! Eto din ang kasama ko sa pangbobola sa aming mga sarili na totoo naman. Haha. Sa twing natitripan naming makipagpagandahan at magbolohan eh, ang saya naman. Haha. Talagang, mapapatawa ka, minsan nga napagkakamalan akong eng-eng dito eh, ngiti na lang ng ngiti wala namang dahilan. Isa din sya sa mga nakaka-alam kung ano ng nangyayari samin ni Yan-yan, masaya man o hindi. Isa sya dun sa mga matuturing ko ding tunay na kaibigan sa ttalk, isa sya dun sa mga taong alam kong, nag-aalala, at laging nandyan para sayo. Thankyou talaga ate Rish, basta.. Pag kailangan mo ako, andito lang ako palagi. J Text text na lang tayo. Good luck kay kuya NyamNyam, tsaka kay kuya Mike. Haha. :D ang kuleet. At.. yaan mo, haha. Isa ka sa mga maalala kong pinakamaganda sa ttalk. Aba, manahan ata yan. Haha. *apiir* Tsaka minsan, sorry din pala kung nakakagulo ako, tsaka.. Sorry kung minsan pa-epal. Haha. Ayun po. Love you ate Rish.


Ate MAESIE (mcchiqui) :: Ate Mae-c. Yan ang aking kakwentuhan at ka-chismisan, kabulgaran, at kalokohan. Usapang brutal man, seryoso, pangmatalino, pang sira-ulo, utak ni Einstein, utak na parang Isaw.. Tsaka nakita ko na yan. Wahaha. Nakita kong nakikipagholding hands sa crushie nya, kasama ko pa nga nun yung anghel kong napakahaba ang name.. haha. Na ang apelyido ay Uy. Haha. Sya ang nagpa-uso ng Mr. Uy. Ayun. Haha. (Kung di nyo alam pinagsasabi, di nyo talaga malalaman. Wahaha. Kami lang ni ate mae-c nagkakaintindihan sa mga ganyang usapan. Kami lang nag-usap eh. :P) haha. At ang mga usapan namin, malanobela sa haba. :D Ayun. Puro kalokohan. Hehe. Mahal na mahal ko to. Haha. Wala lang, isa din kasi sya sa mga nakakapagpangiti sakin, kahit na hindi na sya active sa ttalk, ayun.. haha. Hinahunting at hinahunting ko parin tong babaeng to. Masyadong special to saken eh. Ewan ko, feeling ko, lahat, mapakalokohan o seryosohan, usapang kanto, usapang mayaman, usapang matino, at usapang kabaliwan eh nasasabi ko rito. Basta mahal ko yan! Haha. Ate Maesie! Miss na kita. Ayun. Gusto ko lang ding magpasalamat sa lahat lahat ng nagawa mo para saken, sa mga malanobelang reply mo dati, mga testi.. Basta, lahat lahat. Thanks sa pagiging tunay na kaibigan mo tsaka palaging pagiging andyan. Sorry din kung minsan papampam ako, haha. Baka naiinis ka na saken, pag nagpaparamdam ako at nagpapampam sayo, ibig sabihin nun, miss lang talaga kita! Hehe. :D Ayun. Tsaka pag kelangan mo ng utak na mala-einstein, kailangan mo ng kaibigan, kelangan mo ng cameraman, kelangan mo ng kakwentuhan, andito lang ako palage. J

Ang haba, ayun. Bago ko tapusin ang lahat, may mga gusto pa din akong pasalamatan. Haha.

Si Pakner Sarra (stewie’’)– ang baliw na pakner ko. Isa din to sa mga mahal ko. Labsyu pakner. Ayun. Walang kalimutan, nag-uusap kami sa twing nakikitang online ang bawat isa. Isa din sa mga taong napapatawa ako dahil sa mga posts nya, at napakasweet nito. Haha. Kaya nga nanominate yan sa sweetest ng Ttalk Awards. Haha. Ayun. Lagi din syang andyan pag kailangan ko, tsaka.. Hindi sya nakakalimot na magparamdam, kung may inactive man saming dalawa. Napakafriendly din nitong pakner ko, ewan ko, napapansin ko lang, ang daming nagmamahal sayo pakner. Haha. At Isa na ko dun. ;) Isa na ko sa mga taong nagmamahal sayo, basta. Sa Twing kailangan mo ako, andito lang din ako palage. Kaya nga pakners tayo eh. 8) Labsyu pakner. :-*

Manedyer la prinxessa hot KATH (aemenelthak) :: Ang aking pinakamamahal na manedyer. At ang akin inspirasyon. Haha. Napakagaling na webdesigner nito. Haha. Wala lang, namamangha ako sa mga gawa nya. Naalala ko, yung lay-out nya na si tinkerbell yung theme, wala lang, manghang-mangha ako dun, at yun ang nagtulak saking matuto ng html at mahalin ito. Hanggang ngayon, namamangha parin ako sa mga lay out nya. Ayun. Etong taong to, mahal na mahal ko din, dahil kasama ko to sa hirap at ginhawa, sa pagtitinda ng balot at paglalaba. Haha. Kasama ko din yan sa lovelife, minsan, nagtutugma ang mga lablyf namin. Haha. Ayun. Manedyer.. Salamat, dahil sa mga panahong may kumpanya ka na ng labahan, hindi mo ako iniwan. At sa mga panahong balot pa lang ang nilalako ko, hindi mo din ako iniwan. Salamat talaga manedyer. Basta, pag kelangan mo ng back-up, mapa dancer man yan, o kailangang may babanatan andito lang.. si tentenentenen.. si senterkick mo. Tsaka si kuya Teng. Wahaha. :D Love you manedyer.. :-* Thank you sa lahat. J

Sexxie ALEXXIE (aleXie68) :: Eto. Isa pa to. Haha. Ang pinaka sexy sa balat ng ttalk. Kung may balat man yun. Haha. Mahal ko din tong babaeng ito, kasama ko sa pagpapalago ng thread.. haha. Yung deal natin sexxie haha. (5000++) hehe. Tsaka. Isa din to sa mga kaclose ko sa ttalk, kahit di kami gaanong nag-uusap, friends parin. Tsaka.. Isa din to sa mga katawanan ko, haha. At isa sa mga kapartner ng business naming sabon na gawa sa patay na daga. Eeeek. Hanggang ngayon di ko parin malilimutan yun, at hindi ko malilimutan yun. Nagpapasalamat din ako dito, kasi.. lagi syang andyan. Alam mong may malalapitan ka sa twing kailangan mo ng kaibigan. At andyan lang sya. Thankyou sa lahat sexxie. I love you.

co-preensesa cinDHEErella:: Isa sa aking mga pinakmamahal din sa ttalk. Eto ang aking best advice giver. Haha. Ewan ko, parang sa twing nagpopost ako ng mga problema dito sa blog ko, at nabasa nya, may instant advice.. O kung hindi naman advice ay encouragement. Salamat Co-preensesa. Salamat sa laging pagiging andyan, inactive ka man ngayon. Miss na kita! Hehe. Thanks sa lahat lahat ng ginawa mo para sakin. Kasama na yung gift mo last birthday ko. Haha. Wala lang, natuwa lang ako dun, first time kong makatanggap ng gift nun eh, galing sa online friend. Kaya mdaming salamat. Salamat sa laging pagiging andyan. Sa paghahanda mo ng pink na banner at pink na helicopter sa next birthday mo, para pagpunta ko dyan eh kita ko agad yung bahay nyo. (Hindi mo na siguro to natatandaan. Hehe. Pero, di ko parin nalilimutan) Ayun. Basta. Salamat sa lahat lahat.. Salamat saa pagiging tunay na kaibigan, hindi lang sakin. Pati sa iba.. Basta. Thankyou sa palaging pagiging andyan, kailangan man ng kakwentuhan, kachat sa YM bago ako pumasok.. ayun. Salamat po sa lahat. Thankyou co-preensesa. Love you. :-*

PANKY bootboot - Boot! Ilavyou! Haha. Basta tong boot ko. Mahal na mahal ko to. Kahit kailan, gumuho man ang mundo, bumaha man sa kanila, mahal ko to. Tsaka, eto. Yung kakwentuhan ko pagdating sa usapang panaginip. Haha. Basta may panaginip kaming natatandaan, nakakarating sa isa’t isa. At yun yun. Labyu boot!

Girlfriend Kweenie Karen :: Eto.. girlfriend ko. Haha. Hinding hindi ko makakalimutan dito ang pagpapalitan ng testi. Haha. Yung mga araw na, nagchachat kami sa thread nya, sa thread ko, at sa friendster. Walang kasawa-sawa, at sabay sabay yun. Hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan. Tsaka. Mahal ko din to, kasi, simula pa lang ng kadramahan ko sa lovelife, una na yan sa mga nakaka-alam. Katulad na lang nila Uod at Linta. Haha. :D Pati ang mga karibal ko, sya lang din ang may alam. Ayun . Kweenie. Gusto ko lang magthank you sa lahat lahat sa pagiging tunay na kaibigan mo, tsaka tandaan mo, hinding hindi kita malilimutan.

SA LAHAT NG TTALKERS NA NAKILALA KO, MINAHAL KO KAYO. (YUNG IBA NGA EH NAPAPANAGINIPAN KO PA) HAHA. AYUN. LAHAT KAYO. NAGING PARTE NA NG BUHAY KO. MARAMING SALAMAT PO.

Monday, December 25, 2006

December 25, 2006

HAPPY BIRTHDAY JESUS!! :-* I love you soo much. :)

Dear Wordpad,

I had fun last night. Haha. Me and my younger bro just went crazy last night haha. We danced all night long. I mean before 12:00, yun. We’re just having some fun doing. I don’t know what. Haha. Basta, it’s fun. And I slept at about 12:10 am. Hinintay ko lang na magpasko. Para magreet ko naman si Jesus dun sa mismong day na pinanganak nya. Ask me how my Christmas is? Ask me! Well, it’s L-A-M-E, (Hindi kasama yung birthday na Jesus). Our celebration of the Christmas eve.. well. Sucked. We didn’t even go to mass. (Dec. 24, and 25) Ewan ko, nakasanayan na kasing ganun. :P Kalungkot nga eh, wala pa dito daddy ko. Nag-enjoy lang ako dun sa part na nagsayawan kami ni Warren kagabi. O diba? Haha. Ang kuleeet. Yun lang naman ang nangyari. Ayun. Noche Buena? Hindi ganung ka-engrande. Tinulugan ko na lang. :D Sa totoo lang, baka iniisip nyo na na napakasama kong tao dahil pati Noche Buena tsaka mga gifts eh pati yun sinasali ko, na hindi naman yun yung kailangan sat wing pasko, blah. Blah. Wapake. Haha. At kung yun man yun, sa totoo lang, alisin mo na lahat ng gifts sa Christmas tree namin, alisin na lahat ng Pagkain sa hapag kainan sa Noche Buena, wala akong pakelam. I just want my dad home for Christmas. Pero impossible. Hmmm. Bayaan na nga lang. haha. Sanay na naman ako, and I just have to deal with it. Nothing’s gonna happen if I keep on complaining and hoping that my dad would come home. And it’s better if I just enjoy the holidays, be thankful for what I have, be contented, and just wish that my dad is okay...

[edit]Merry Christmas to all of you! Balitaan nyo ko kung ano ng nangyari sa christmas nyo ha? hehe. Gusto ko rin magthankyou sa lahat ng nag greet sakin. haha. Lalo na sa mga ttalkers tsaka sa mga nagtext. Thanks! :) Tsaka pala kay ate HANMAE sa gift. :)

Christmas.

December 24, 2006
Dear Wordpad,

A few hours left, and it’s Christmas. Yey. Yey me. Wth. I can’t even feel that it’s Christmas, It’s just like any ordinary day. Normal. No extra-something.. (except for the tons of carolingers haha. I mean singers who attacked our home T.T, harhar – I mean attack attack. Not attack as in kabloom! Boom! Explode! Fight! not that kind of attack) haha.

Gaaaaaawd. Give me something to do. Give me the strength (Muscle-man-as-in-topher-oh-no-not-that.-I-mean-the-”me”-strenght) to do something productive. Anything. Anything. I’m really bored. As in BORED. That kind of boredom that can kill a person. Hey wait! If boredom can really kill. Then I must be dead by now. Waaaaaaaaaa. I’ve been bored for about 6++ hours. Hay. I texted all of my classmates and greeted them a happy Christmas, I also thanked everyone, with special mentioned names: my kambal, and my BESTFRIEND. Yah. My so-called bestfriend from my last post, hoping he’ll reply. But nada. Nada. Nada. Nada. He didn’t replied. >.< Haha. I also special mentioned my special someone.. Ohhh. Haha. :D Whoever that is (I didn’t mentioned the name.) and guess what? That bastard-erase-lovely special someone of mine replied. And asked who that special someone is. Out of all people in my distribution list, he’s the only one to ask who my special someone is. Maybe because he knows that it is him. Rawr. I want to tear him and bite him into pieces. Yooo. Yoo. Rawr. So much confidence ha? Yeah. I know wordpad, I don’t have the right to say this because I’m not him, I can’t feel what he feels and I can’t read his mind. But I can imagine how he reacted with the message – with a smile on his face *abot tenga*, thinking: “Ohhlala, I’m so handsome.. Yeah. I’m handsome. I’m handsome. I’m dumb. Dumd. Dumb. But I’m handsome Ohhyeah. That’s why girls go gaga over me, let me text her, so she can confess her undying feelings for me because I’m handsome. I’m handsome. Yeah. Obsessed with my face” Wahaha. *And runs naked*. Haha. He’s a type of guy – yeah, I know all guys are like this. Sa kanya nga lang, over. Too much confidence. And I really hate him for that. But it’s okay. I still love him. Nyahaha. Enough of that hate. Thea, it’s Christmas. Let’s be happy. (Just wait.. If bestfriend won’t greet me. Rawr. Di ko na sya papansinin for a lifetime. Yeahba) haha. Basta, enoy the season na lang. It’s only once a year, and the best part is, it’s the birthday of Christ. And I shouldn’t be talking bad about people, spread peace. Spread love. Because that’s what Christmas is all about. <3. Merry Christmas wordpad. And I love yoo so much. Thanks for always being there for me. You’re such a great friend.

[edit]Merry Christmas my dear readers. bloggers. friends. ttalkers. I love you all! [/edit]


1 hour to go before Christmas – and it feels like it’s just like any ordinary day. No fun. :P

yeah.

December 23, 2006.

My dearest Diary. Wordpad.

Heyo. I just want to let my feelings out. I'm really happy, but at the same time, I'm hurting inside. Christmas is fast approaching, 2 days left before christmas, and I really can't feel the joy of the season. Maybe because my dad is not here, and you know. That special someone. I know, i know, I shouldn't be blabbering here and wondering when he'll fall for me. Because I know that it's impossible. :P Too much drama eh? But it's true. Just for the "drama over-reacting princess" record, I guess it's more possible for me to reach the moon and reach pluto, touch the stars, and go to Paris than him, falling inlove with me. I haven't told anyone about this hidden feeling, because I know, no one will understand me not even my so-called-bestfriend, and my closest friend. I used to tell my "bestfriend - Guess who?" all of it. All of these feelings because he is the only one who understands me, he's the only one who can call me tanga, and can be true to me without offending me. He can always say "nagpapaloko ka na naman, wag mong papatulan yan etc. etc. " Without hurting my feelings but. a big BUT. I can't confide with him anymore, it seems different, and it seemed like he doesn't care at all. I have no guts to tell him that, because all he cares about is his one-and-only. I'm happy for them, and I almost accepted the fact that everyone changes.. but I miss him. not miss him as in "miss-him-because-me-likey" but, I miss him, because.. I miss just talking about nonsense and corny jokes, I miss just how he laughs so hard without being conscious on how he looks. I miss the exchanging of sms until the wee hours of the evening -- and now, he can't even send me a single text message because he's too busy doing i-don't-know-what. anyway, enough of him. I don't wanna talk about someone who doesn't even care to talk about me, i mean.. To just. Care. stop. dot. period. end. bow.stop.and that really close friend of mine -- actually, she's my twin. haha. Yeah. Yeah. Not my biological twin though. I can't even tell her a word about the "i-still-love-him-i-don't-wanna-move-on" issue of mine. ;P We're okay, really okay. :) haha. i love her to bits, because she has always been there when I needed someone, and I thank her for that. But.. Everytime we talk about this love thingy, we always argue (nothing personal). We're very different persons, and we have lots of opinions that collide (No. Not collide, haha. I mean explode, when they meet. Wahaha. no, the word is different) i mean different. And I don't want her to think that I'm the "drama over-reacting princess" that I am, I don't want her to think that I'm so obsessed with him. (No. I'm not obsessed. Slight, I guess. haha. The truth is -- I drool everytime I see our picture.. and my heartbeat turns skyrocket fast just talking with him. haha. Joking.) Haha. I'M NOT OBSESSED WITH HIM. I PROMISE. She knows all of these stuff. But she doesn't know that it hurts everytime we talk about the moving-on part. Sometimes, when we talk about this, I just want to emote, let my feelings out, and just you know. Be dramatic. haha. Pero batok lang abot ko dun. hmm. So I guess, I'll just have to keep this between you my diary (what my bestfriend used to be, and now.. it is you! you! my beloved wordpad haha.) and me, myself and I. 4 is a crowd. We're enough. :)


Am I inlove? No. I don't think so. Maybe I'm just infatuated. wth. Aminado ako, I'm infatuated. haha. I guess I'm the only person in this whole wide world that can accept and be proud that she's only infatuated. Oh God. Give me a sign, tell me whether I'm in love or not. Pls. Tell me.. Pls. I never failed to remind myself that I should move on, because, this.. really hurts. I kept on hiding in this mask, pretending that I don't like-scratchthat-love him anymore, but the truth is.. I love him. I really love him. I really really love him. I don't want to let go ( Let's just pretend that his mine.yeah.), I don't want to fall out of love. though I know, that I can control what I feel for him, because it's all in the brain.haha. According to Science. Wth.I really don't know. I'm confused. I just want to keep on loving him.. I'm happy.. I'm happy even if it hurts. and I just want to keep on loving him, I just want to keep on hurting and wait.. 'till it hurts no more..

P.S. And now,my dear diary, I guess I turned into that beautiful butterfly. Out of this cocoon. Out of this darkness.. Now I'm free. Not because I had already fallen out of love.. Because I learned how to love, I learned how to give without taking something in return, I learned how to accept a person even with all those flaws and imperfections, and I’m happy.. Because I know that I have loved someone.

Lovelots,
I.