Wednesday, May 03, 2006

La...La..La..

Hay. Nakakainip dito sa bahay. Sobrang init pa!! Summer na Summer.. Kung puede lang eh pumunta ako ngayong beach at magpakasirena ngayon dun. Kaso hindi eh, di puede. Hay, di ko parin alam kung sasama ako sa lolo ko papuntang Caluya.. (Antique) hmm.. tingin nyo? Sasama ba ko o hindi? Kasi, ngayong May 12 na aalis yung dad ko papuntang Africa.
(OFW sya.) Kung sasama pa ko sa lolo at mga bros ko papunta dun, kawawa naman dad ko, ilang months na naman bago sya umuwi dito. Tsaka isa pa, umalis yung househelper namin, umuwing Mindoro, baka matagalan pa bago makahanap ulit kami ng bago.. Kahapon lang kasi nya sinabing mag-papakasal na daw sya. Ang paaalam lang kasi samin eh, isasama daw sya ng tatay nya papuntang Mindoro, xe gusto syang makita ng mga relatives nya dun. Kaya pinayagan na rin. Tapos bigla na lang nagtxt kahapon sa mom ko: Te, Di na po ako makakabalik dyan, kasi po ik2sal na ko. Pasensya na po talaga. Nakahanap na naman po ako ng papalit sakin. Maraming Salamat po. Kahit ayaw ko pa syang umalis (Ilang years na rin kasi sya dito..) Pero, kelangan eh, hayaan na lang dapit namin syang lumigaya.

Ate Bebe: Thanks sa lahat lahat. Mamimiss ko yung Adobo mo. Teecee na lang! and Best wishes sa inyo ng magiging husband mo.

Ate Bebe : Manila Zoo

---------

Nagpunta Kami kahapon sa Manila Kahapon, sinamahan ko yung dad kong kumuha nung ticket nya. Dapat talaga, Pupunta kahapon si Xen-xen, sa bahay namin. Para nga sa kanyang "surprise" visit. Tapos manonood kami ng Laro nila Gyver sa Court ng Asia 2. Excited pa naman ako, kaso, sabi ng dad ko. Samahan ko daw muna syang magpuntang Manila, Bukas na lang daw papuntahin si Xen-xen, pagkatapos ng enrollment. Umalis kami ng mga 8:30 a.m., Tapos, Sabi ng dad ko, baka daw iwanan na lang namin yung sasakyan sa SM Bicutan, kasi baka di kayanin sa Mandaluyong, eh nakatulog ako, pag gising ko, lampas na kami ng Alabang. Ayun, dineretso na lang ng dad ko.. tapos nahuli pa kami ng.. pulis? haha. Yung mga nakayellow sa daan? Basta yun na yun..(Wag nyo ng itanong kung baket) Hay, medyo natagalan pa kami dun, kasi chineck pa.. eh, ayun. Mga after 30 minutes. (Haba ng Pila eh..) Nakaalis din kami, Pagakatpos naming mag gala sa SM, nagpunta kami sa TLRC. Nakasabay pa namin yung Rey Langit ba yun? sabi ng dad ko.. Di ko kilala kung sino man yun, niloloko nga lang ata ako, pero halos lahat ng tao nagtitinginan sa kanya.. kaya sikat siguro sya. Pero di ko sya kilala. hmm.. Yun, kumuha yung dad ko ng mga manual para dun sa Mango processing, tapos nagtanung-tanong din. Sabi daw para sa business namin, mga after 2-5 years, mamumunga na yung manggahan namin sa davao, sabi ng dad ko, baka daw doon na lang kami tumira. (Kweenie Karen!! Hintayin mo ko dyan!) haha.. Tapos, magtataxi sana kami pabalik ng SM, kaso.. niyaya ako ng dad kong magMRT.. First Time ko!! Kahit nakatayo lang kami, okay lang.. naenjoy ko naman ang pagsilip sa bintana habang nakasakay kami. haha.. Nagpunta kami sa Glorietta 4, tapos bumili ako ng isang Hello Kitty na Bag, tsaka isang Yellow Sanrio Top. Ang cute!! Tapos, dumiretso na kami, para kuhain yung, ticket ng dad ko. Tapos.. diretso uwi. Pagdating namin dito, puno na naman ang bahay, at bumisita yung lolo at lola ko.

-----

*bow* nitatamad na kong magtype. Gusto ko lang mag-update. Kaya ayan.. haha.. Medyo napahaba nga ata eh. hehe.

2 Comments:

Blogger -xen2- said...

naku nmn.. isali tlga name ko?! nyahaha.. di bale ok lang yan! pang-exposure..
Naks?! talaga?! may manggahan kau sa kung saan man lugar sa pilipinas iyan?! (nalimutan ko na kng san mo cnabi e..) pagtumubo ung mangga nyo.. dalhan mo ko.. peborit ko un e!! Ü Tsk2.. iba na tlga pag mayaman e.. Tsk2.. cguro, dami ng diamond ang nkkta ng dade mo sa africa noh?!.. Tsk2.. la kcng ganun sa Saudi e.. kya di me mkabili ng things na nbi2li nyo.. Tsk2.. kuripot nanay ko e.. tsk2.. badtrip.. Nyahaha.. Ü miz yah na!! malapit na ang pasukan!!

Wed May 03, 09:28:00 PM GMT+8  
Anonymous Anonymous said...

thea! naku.. pareho tayo last december lang ako nakasakay ng MRT! wow pare tao na 'ko!! haha

hindi mo kilala si rey langit? haha siguro bata ka pa nung kasikatan niya lmao.. journalist yun! hehe manood ka ng ibc o kaya rpn.. baka andun xia lmao..

Fri May 05, 11:16:00 PM GMT+8  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home