Thursday, May 18, 2006

TO OBTAIN.... SOMETHING OF EQUAL VALUE MUST BE LOST.

Alam ko.. Alam ko.. Ang tagal kong nakapag-update. Haha.. Ang dahilan: I was too busy being lazy. Tinamad akong magblog, tsaka wala namang special na nangyayari sakin these days. Kung may nangyari man eh pagod na kong magtype at tatamaring magtype the next day. Kaya babawi ako sa inyo ngayon.

Nung May 12 (Friday) Umalis na yung dad ko. Nagpunta na syang Africa. Hay. Ewan. Kahit na sanay na sanay na ko sa pag-alis nya, parang nag iba ngayon. Mas lalo kasi kaming naging close sa kanya, Kaya kahit na mula pa nung pinanganak ako eh umaalis-alis na sya, Parang Iba ngayon, Miss ko na yung araw-araw naming pagpunta sa mall nung nandito pa sya, Yung maaga naming pagtulog tuwing nandito sya. Yung sabay-sabay at sa isang mesa kami kumakain.. basta halos lahat lahat miss ko na. Hinatid namin sya sa Airport, Kung kelan sya aalis sumabay naman ang pagdating ng bagyo sa may samin. Ang ewan. Mas naging senti tuloy ako ng ilang days. Baka after 3 months, nandito na ulit sya. 6 months kung pipirmahan nya yung bagong kontrata. hay.. Tama na nga tong kadramahan ko tungkol sa dad ko, lam ko namang sya din, nahihirapan.. Tuwing aalis sya, mas nahihirapan sya kase sya lang mag-isa, wala syang kasama.. di nya kasama. Kaya dapat isama na nya kami sa Africa!! haha.. j/k. Ganun daw eh noh? Ang hirap atang tumira sa ibang bansa, lalo na dun. Kaya nga tama na talaga tong pag-isip ko sa tatay ko at mas lalo na naman akong malulungkot.

Nung isang araw, nagpunta kaming Manila, Kinuha ng mom ko yung passport nya, pati ako, kinuhan na rin nya ng passport. yay~ haha.. nope. di ibang bankami lalayas papuntang sa, ewan ko bakit bigla na lang nagkuhaan sila.. pati mga tita ko. haha.. Ayun, dapat pupunta kami sa Embassy ng Singapore, kaso.. naiwan yung address sa bahay, kukuha sana kami ng form para dun sa Scolarship.. wow. sana naman pumasa ako dun, kung seseryosohin nila yung pagpapa-apply sakin dun. Napakataas ng expectations ng mga magulang ko sakin, ang dami na kasi nilang nagawa para lang matuto ako. Ang dami na nilang ginastos para lang pumasa ako sa Math training ko. Hay.. Ang ewan. tapos kung sakali mang bumagsak ako, alam kong mapapahiya lang ako sa kanila. Kaya nga pinipilit ko sa dad ko na wag na lang. Baka di ako pumasa.. Pero sabi nila, itatry lang naman. Sa bagay, malay naten pumasa ako diba? haha.. Saya. Sana nga pumasa ako. Anyway, ayun na nga.. dumiretso kami sa SM Manila, tapos gala gala. Eh syempre.. di naman papalampasin ng mom ko ang tsansang andun kami sa Manila, dumiretso na kami sa Divisoria. Grabe ang polusyon,Ang saya sanang magshopping-shopping dun.. Ang mura ng bilihin, kaso nga lang, di ka masyadong makakatiis sa amoy ng usok pati ng mga kung ano dun sa pagbyahe, eh commute lang naman kami. Hay.. halos di na ko makahinga sa sobrang polusyon dun. hmmm.. Ayun, namili. Tapos diretso uwi.. Ayun. Bonding moments na naman with my mom. Ang saya, haha.. kahit mga ganung trips to the mall o kahit san pa man eh, nakakapagbonding kami ng mom ko.





ayun.. haha. Yung title ko nga pala. haha.. Yan ang halos araw-araw na naririnig ko sa kuya ko. Tonong Tono pa. haha.. nahawa na ata ako sa araw-araw nyang panonood ng FULL METAL ALCHEMIST. haha. Ang ganda ng storya, Panoorin nyo rin: Sa Animax,Monday-Friday 6:00 p.m., tapos may reply ng 9:00 p.m. ang 12:00 mn. hmm.. Basta nahook na ko sa Anime na yun, kahit di ako masyadong mahilig sa Anime, pinanood ko, Thanks sa Kuya ko na dati pa kong pinipilit na manood nun. Kwento ko ng konti yung tungkol dun, kasi ganito.. May 2 magkapatid, Si Edward (Yung yellow yung buhok) Tapos si Alphonse -- di ko sure yung spelling pero alam ko ganyan ( Yung Robot ) [Dun sa first tym na makakapanood nun, Aakalain nyo, si Alphonse yung mas matanda kay Edward pero mas bata sya.. Ang cute ng boses, kahit di masyadong bagay sa napakalaki nyang katawan. Ayun, Tapos sobrang saya nilang 3, ng mommy nila. Iniwan kasi sila ng tatay nila, na kilalang kilala talagang Alchemist (Wag nyo na kong tanungin kung ano man yun.. di ko alam kung pano iexplain.) Ayun, tapos nung bata sila.. namatay yung nanay nila. Eh si Edward, kahit mga 10 yrs old palang ata sya nun, marunong na syang gumamit ng Alchemy, Magaling sya.. nagmana ata sa Dad nya. Dahil nga sa sobrang mahal nila yung mom nila, They decided to use Alchemy to bring her back. Eh, According o the law of Alchemy: TO OBTAIN.. SOMETHING OF EQUAL VALUE MUST BE LOST. eh ayun, nung ginagawa na nila yung ritual nga, something unexpected happend, may parang Black(actually it's purple)-Hole-Thingy na may kumuha kay Alphonse, mga 9 yrs old sya nun.. Eh si Edward, ayaw nyang mawala yung bro nya, kinuha nya yung soul ni Al, tapos nilagay sa isang malaking robot. Tapos ayun.. Dun na nagsimula, Gustong maging magaling na Alchemist ni Edward para mabalik nya yung dating katawan ni Al, at mabalik na din yung braso nya tsaka yung binti. Hay.. Ang ganda talaga, may mga episodes na nakakaiyak. Panoorin nyo ha? Promise?? :) kahit gusto ko pang yun yung lay-out ko, kasi nakakatamad mag palit ng lay-out, pinalitan ko na rin, kasi tag-ulan na, di na appropriate yung lay-out ko sa season diba? hmm.. ayun. Under construction pa rin sya, wala pang kung anu-ano..

That's ALL. haha. masyado ng madami.. and I'm gonna watch PBB na. mwah!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home