Saturday, August 12, 2006

august 11, 2006

waaa! Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. Nasira kasi yung pc namin. kaya yun, Exams din namin ngayong week kaya kelangang mag-aral. Tamang-tama rin sigurong di ako nakapag-internet. Para di naman ako bumagsak ngayong first quarter. :P ayun, hay. KAPAGOD. Sobra, yung klase kasi namin may party kahapon (++kung extended ba o hindi yung panliligaw nya sakin) ayun. 2:30 dismissal namin. Dumiretso kami sa bahay nung kada ko, ayun. Kelangan pa pala naming maghintay dun kasi wala pa yung mga tao, 4 kami, si Kon, ako, si Gelie, tsaka si Charisse. Kahit wala pa si Me-an sa bahay nila, dun na kami naghintay. haha. Kelangan kasi nilang kuhain yung mga foods sa bahay nung isa ko pang classmate. Ayun, habang inaabangan namin si Tina dun sa may kanto dahil di nga nya alam kung san yun, ayun. Nag-usap usap kami, tungkol dun, kung ieextend ko ba o hindi. Dun nga lang ako nakapag-open ng about dun. hay. Nikabahan talaga ako kahapon, alam ko namang di sya magpopropose ng masyadong maaga. Kaya buong hapon ata, ayun. Napag-iisip ako. :P Ang ewan. haha. Ayun, mga 5:30 pm. Umuwi na yung 3 kong kasama, nagdatingan na nun yung iba ko pang mga classmates. haha. Tapos nag gala pa kami sa buopng Ceris 3. Wooot. haha. May away pa na ngyari. haha. May mga papampam kasing nakasalubong namin. AYun, di ko na ikikwento yung buong storya. Ayun, dumiretso kami kila Aubrey, tapos nag-internet ako dun (haha.. Excited pa daw, kasi naman, sira nga yung pc namin) ayun. Hanggang mga 6:30 kami dun, tapos pumunta na sa bahay nila Me-an.. ayun. May nakahandang surprise pala talaga sakin dun. Pagdating namin dun sa kanto, May nalalaman pang pablindfold blindfold effect yung mga yun, hanggang nakarating kami sa "garden" nila Me-an, ayun. May mga candles chuvaness dun. Grabe. kakilig na ewan, may flowers na naman ako. Natuwa talaga ako kagabi, di ko inisip na makakaranas ako ng ganun sa highschool, akala ko sa Creative Corner ko lang mababasa yang mga yan. Yun pala, posibleng mangyari, hay. Katuwa. Tapos ayun, ang-usap kami ni "M",

tapos lumabas kami, andun yung mga classmates ko.. may hinanda pa pala sila dun..








Grabe, di ko akalaing may ganyan pa, ang saya ko kagabi. Kahit medyo malungkot. Ayun, pagpapatuloy pa rin daw nya, kahit na humindi ako.. Gusto nya lang daw talagang patunayan yung basta. Yun na yun. Yan lang yung pics eh, di ko na nakuha yung iba. Medyo mayu topak parin yung computer namin.
Gusto ko na sya, kaso DI PA ITO ANG TAMANG ORAS.


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home