Tuesday, August 01, 2006

School

Weee. haha. Mag-uupdate na naman ako. Sorry kung di na ako nakakapagpost dito sa blog ko. (As if naman may bumabasa at nagsusubaybay dito no?) hehe. Ayun. haha. Diba nagpromise (ata) Akong maguupdate na ng blog ng madalas. Pero syempre, sobrang busy sa school. Pero enjoy na enjoy naman ako ngayong 3rd year. Naging buo na kasi yung section namin, halos wala ng barkada barkada. Parang lahat kaming III-Maaasahan eh magkakabarkada na. Ayun, naadik sa volleyball. Lahat ata samin naglalaro na ng volleyball, kahit marunong o hindi, eh.. kasali. May mga iba lang talagang di hilig ang pagvovolleyball at nakukuntento na lang sa pag-upo sa bleachers.Isa na ko dun, Pero okay lang yun, hehe. Tapos napapadalas na rin ang paglalakwatsa ko sa Ceris 3 every friday, naging dakilang tambayan na ang bahay nila Me-an at Marlou ng klase namin. haha. Eh medyo nag-enjoy ata ako dun sa paglalaro namin kaya nakisama na rin ako sa kanilang mga naglalaro every break time, makikita mo yung klase namin, nasa Gym na lang naglalaro. Ayun, ang saya talaga (Di naman masyadong halatang natutuwa ako noh?) Ayun. Kahit may ilan ilang chismis na kumakalat sa mga fourth year namin tungkol sa classmate kong nanliligaw sakin. :P Hay. Ang ewan nga eh, di ko alam kung anu ng ginagawa ko sa buhay ko. Pero okay lang naman yun siguro, kahit masyado pa nga akong bata para dyan. haha. Di ko pa nakikiwento yung about dun sa classmate kong yun. haha. Tawagin na lang natin sya sa pangalang M -- haha. Kasi M yung first letter sa name nya. *ehem* *ehem* Nung una talaga, di ko sya pinayagang manligaw sakin, kasi ayaw ko pa nga --dahil may promise ako. Pero sa sobrang kakulitan nya, eh napapayag nya ako. Nagpunta kasi sya dito sa bahay, tapos iniyak-iyakan ako.. hanggang gabihin na sya dito. Eh ayun, sabi ko tingnan namin, if wala talagang pag-asa after 30 days, papatigilin ko na sya. Para di na rin sya umasa. Ayun, yung 3o days na pala na yun ay sa August 11. Hay. Di ko pa nga alam kung anong magiging desisyon ko. Gusto ko na rin kasi sya, kahit may gusto pa akong iba. Di ko masabing Oo, di ako makapayag na manligaw sya sakin ng matagal-tagal pa kasi nga ayaw ng mummy ko (Alam na nya kasi eh, basta.. To be continued ang mga kwento ko about kay M haha. Yung sweetest thing na nagawa nya sa kin so far) Kasi bata pa ko, (at alam ko yun) pero di ko rin naman masabing "Hindi" Dahil feeling ko gusto ko na rin sya) Sabi nga ng mga classmates ko ang swerte swerte ko daw kasi ako yung minahal ni "M". Pero dahil di pa nga ito yung right time, di pa puede kahit gustuhin ko.. Ayun. Mag-uupdate ulit ako.. Baka masobrahan sa haba. hay. ANg hirap ng buhay no? Napakakumplikado.

Idagdag mo pa ang mga fourth year na gumagawa ng chismis tungkol samin. haha. Katext ko kasi kagabi yung mga kagroup ko sa JMC. Eh ayun, sabi ni ate Tin pati ni nay Nadine "Kamusta na kayo ng baby mo??"

Eh ako naman, walang kaalam alam sa mga sinasabi nila, nireplayan ko kung sino man yung baby na yun. Sabi nila si "M" daw, may mga kumakalat daw na yun yung tawagan namin. Eh wala nga kaming tawagan ni "M" -- ay, meron pala.. Mga pangalan namin. hay. Basta, makikita mo na lang yung ibang fourh year na nakatingin at nakatitig pag magkasama kami (Wag mo pang isama ang ligawan, dahil talagang close kami) Pero.. hay. Ayun, di na lang ako mag-papaapekto sa kanila, di naman totoo diba? haha.

Ayun. To be continued. wahaha.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home