Wednesday, August 16, 2006

Hai. Okay na, di ko pala nakwento sa inyo yung nangyari kahapon tsaka nung isang araw, pero Okay na naman lahat. TAPOS NA ANG GULO. haha. salamat sa lahat ng mga nandyang palagi para sakin.. Buti na lang nangyari to, Nakilala ko yung mga tunay na kaibigan at hindi, yung mga mangiiwan sa tuwing kelangan mo sila, at yung mga patuloy na andyan sa tabi mo pag kelangan mo.

SALAMAT SA MGA TAONG PARATING ANDYAN SA TABI KO KAHIT TALIKURAN NA AKO NG BUONG MUNDO. SA MGA TAONG ANDYAN TUWING NAHIHIRAPAN AKO. SALAMAT DAHIL NAGING TOTOONG KAIBIGAN KAYO.

Salamat din sa mga close ttalker friends ko.. hehe. Na dumaan sa blog ko at napakinggan ang problema ko.. wahaha. salamat sa mga dumaan at nagcomment: *ehem*
hay. salamat din talaga sa mga friends ko na napatunayan kong di ako iniwan sa ere. Nagpapasalamat ako kela Gelie, Charisse, Kon, at Xen-xen. Thanks sa pagsuporta sa ginagawa kong desisyon kahit nasali pa kayo dun sa away namin, di nyo talaga ako iniwan. Di nyo ko pinabayaan, SALAMAT TALAGA. :)
---
Di ko na kikwento buong storya na ngyari kahapon. Pati pala nung Sunday, ayun. Iyakan na naman ang nangyari, di ako umiyak nun. Pinanindigan ko na yung pagiging matapang ko, pinanindigan ko na yung pagiging malakas ko, kahit na kausap ko si "M" sa fhone, tapos grabe sya umiyak. Di mo talaga iisiping iiyak sya ng ganun. Pero ayun, tinanong nya ko kung may tiwala pa daw ba ko sa kanya ganun, ayun. sabi ko, wala na. Ayun, dun lang natapos na yun, hmm.. Di ko pala nakwento kung bakit kami nag-away. Di ba nga sabi ko sa last entry ko na patitigilin ko na sya, ayun.. Inaway nya ko nung gabi. Ayun, hanggang kinabukasan alam na ng halos kalahati ng klase. Ayun, ang iniisip naman nung mga kumakampi sa kanya, Si GElie.. Dictator ganun. Pinagpipilitan nilang nakuha ko yung desisyon ko kay Gelie, pero may sarili naman akong utak eh. Humhingi ako ng opinyon kay Gelie, kasi alam kong sya yung nakakaintindi sakin. Alam ko yung mga sasabihin nila pag sa kanila ako nghingi ng opinyon. Kaya ayun, nagkasagutan sila. naiipit pa si Gelie, hay. Ayun, nagkaiyakan pa. Binigyan ko si "M" ng letter. Ayun, nagsorry ako dahil nabigla siguro nga talaga sya. Pero ayun.. Sinabi ko na lahat lahat. Meron naman pala syang nakahandang Folder na may sulat pati roses na naghirap pa ang nanay nya sa pagkuha nun. Nagsorry sya, tapos yun.. hmm.. Yun, nalaman pala nung adviser namin yun, kinausap ako. ayun, pagkatapos nun, natutunan kong panindigan na nga lang yung desisyon ko. Bata pa ako.. ayun. hmm..hay. First time ko na namang umiyak ngayong school year, nagpromise naman ako kay Gelie na di ako iiyak. Pero di ko na napigilan, nung nagkasagutan nga sila ni Elainne eh, pagkatapos nun... Dahil naaawa ako kay Gelie, Lumabas na lang ako, diretso sa C.R. sabay iyak mag-isa. Ayun, sinundan pala ako nung 2, ni Gelie pati ni Charisse. Kahit iyak na ko ng iyak dun sa C.R. BUTI NA LANG TALAGA ANDUN SILA..
hay. AYun, napaliwanag naman sa huli, nung lnch, nag-usap usap kami.. Batsa yun na yun. Ayoko ng ikwento lahat lahat. At ang tungkol naman kay "M" ayun.. sabi nya... Mag-iintay daw sya, hangga't kaya nya.. kahit tropa na lang maging tingin ko sa kanya, maghihintay pa rin sya.
basta nagpapasalamat talaga ako dun sa mga taong nandyan, di ako tinalikuran. Nalaman kong
kung sino pa yung mga taong inaasahang kong nandyan, yun pa pala yung mawawala. Nagpapasalamat ako kasi nakilala ko yung mga taong totoo, yung mga andyan para sayo...


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home