Friday, September 08, 2006

TGIF

Yay. haha. How are you guys? Ang tagal kong di nakapag-update. I'm so busy with school stuffs. haha. Kelangang magpakagenius, 3rd year na eh. haha. Yun. We watched El Fili at UP Diliman kanina, tapos pumunta dun sa museum. Ang saya naman eh. haha. Sorry walang pics, rawr. Kainis, di kami pinayagang magdala ng cam and phone. Or any other gadgets. Kahit MP3 di puede. Kamusta naman yun? Wala kaming ginawa sa jeep kundi magkwentuhan at food trip. haha. Kahit na ang sikip sikip namin dun. Sa totoo lang, yung byahe namin papunta dun eh di masyadong maganda. May napaiyak pa ko, yung new student, Sheesh. Napaka sama ko. Grabehan. Kalahati ng byahe namin natahimik na lang ako, ayaw ko kasing katabi sya. Eh ayun, haha, Pinipilit kong tumabi sakin yung seatmate ko, ayun na"hurt" daw sya, at umiyak. Syempre, nagsisi din ako dun sa ginawa ko, ang arte ko kasi. haha. Kelangang namimili pa ko ng katabi. Pero naging okay naman kami pagkatapos nyang umiyak. Nakapagsorry naman ako, at patuloy na tumabi sa kanya kahit na di na ko makahinga. :X haha. Ayun, naghintay pa kami bago makapasok para manuod. Pero sulit naman eh, haha. First time kong makakita ng artista sa personal. ANg weird noh? Pero totoo. haha. Nakakakita ako ng mga celebrities (sports tsaka kung sino-sino pa) pero di pa ko nakakakita ng artista sa personal. Haha. Ang galing galing noh? Ang dami pang cuties dun. Malulula ka sa dami. (haha. Tigil na thea. Napaghahalataan ka) Ayun, after nung play, kumain na kami ng lunch, tapos nag kwentuhan, sabay labas naman nung Kurt, sya yung dancer dun. Alam ko sumasayaw din sya sa tv. Gosh, he's a hottie. Sobrang gwapo and macho nya. Ang lakas talaga ng dating, yung mga di mo aasahang mapapatili samin, nagtiliin. Tapos sunod na lumabas si Frankie (Sya yung dun sa PBB na naging date ni Olyn, tsaka tallest Filipino ata? 7'3 sya. Gosh. Ang tangkad nya. Supeer.) Kahit yung pinakamatangkad sa klase namin eh nanliit sa kanya. Supeer laki nya. Pero parang ang bait nya, haha. Di tulad nung iba. Katulad nung yung si "Basilio" haha. Sobrang Suplada. Nakakapikon. Pero okay lang, haha. connection naman namin sa kanila diba? Ayun. Pagkatapos nun, nagpunta kami sa Museum. Ang gaganda ng mga paintings dun, pati yung mga collections ni Jose Vargas (Yun ata ang pangalan nya, basta Vargas yung apelyido nya) hehe. Tapos nag gala gala sa UP after nun, at umuwi na. Grabe, nakakahilo sa jeep. :P Umiikot na sikmura ko sa mga pagkaing nakain ko at sa laging pabiglang break ni manong driver. Kamusta naman yun diba? haha. Kaya Natulog na lang ako, kahit di naman natulog talaga. Natutuwa ako nun kay BF, kahit na alam kong wala lang ako sa kanya, yung mga salitang naririnig ko, okay na rin. Kahit sinasabi nya yun dahil classmate nya lang ako, okay na. Kasi, hiniram nya kay Gelie, yung pamaypay, eh nasa harap namin sya, ayun. Pinapaypayan pa rin ako, kasi nga di na masyadong maganda pakiramdam ko nun, tapos sa tuwing may manghihiram nung pamaypay eh, sinasbai nyang hanginan ako. Wala lang, parang kahit minsan, ang sarap magfeeling na he cares fopr me, kahit na ang tingin nya lang sakin eh kaibigan nga lang. Tapos ayun, pag bumabangon ako, laging may tanong kung okay lang ako. Kesyo ganun. Haha. Ang saya, di nya lang alam habang natutulog ako, at nakayuko, Nakangiti ako kasi, alam kong nandyan lang siya. Tapos ayun, basta. Haha. Ang saya, natutuwa ako sa kanya, btw, kahit monthsary nila ng gf nya, masaya parin ako, haha. Happy Monthsary Bf! Sa inyong dalawa ng gf mo. Sana magtagal pa kayo, kasi kung san ka masaya, sasaya na rin ako. Kahit na medyo may. *ehem* *ehem* ewan. Di ko alam, okay na sakin yun, tanggap ko naman na close na talaga sila. :X haha. Basta masaya ako, tsaka nakapagbonding din kami ni Gelie ngayon, kasi buong oras ata sya ang kasama ko, kasi yung mga kabarkada ko, iba iba na ang kasama. haha. Feeling ko nga kahit "AYos na kami" ng mga kabarkada ko, nahati pa rin kami. Rawr. Karmahin kayo Ceris 3 girls! haha. Ang bad. Basta. Okay na yun, basta di nila kami inaaway walang mangyayaring gulo, itatry ko na sa susunod na magsalita oras na may saktan samin. Grrr. Lalo ka na Dalandan! rawr. haha. Yun lang. Mamaya na lang yung iba ko pang kwento. hehe.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home