Friday, September 08, 2006

Wala lang. Post ulit.

Haha. Ang galing noh? Ang sipag kong mag-update ngayon. Ayun, inaayos ko yung blog ng klase namin, kahit di ako marunongt gumawa ng lay-out. Para may site lang ang bloggie namin, Okay na. Waah. Daming gagawin. Visit nyo nga pala yung bloggie namin: http://maluphet-maaasahan.blogspot.com, di ko pa pinapakita sa kanila, kasi di pa tapos, ang dami pang kelangang ilagay sa profile. Pero at least nakapagstart na. Yay. haha. Ayun, may kikwento nga pala ako, kagabi, kausap ko si "M" sa phone, halos mga 2-3 hours kaming nag-usap dahil may kadramahan na namang nangyari, sa totoo lang, dapat di ko to kinkwento eh, pero okay lang. Wapakels sya. haha. Di nya naman to blog tsaka isa pa, wala din namang nagvivisit sa bloggie ko. haha.

Ayun, minsan nga napipikon na ko sa kanya, minsan di na lang ako makahindi kasi friend ko sya, tsaka ayw kong may nagtatampo sakin, eh ayun, halos everynight ko na syang kausap sa phone. O diba? Ang epal. Lagi kasi, pag katext ko yun, eh di sasabihin nya kung puede daw tumawag. Ganun, eh ako naman, mag dadahilan, hahanap ng alibi. Sasabihing andito ang nanay ko, napagalitan ako, at kung anu-ano pa para lang hindi mabawasan ang oras ko sa pakikipag-usap sa kanya, kahit na minsan eh, gusto ko din namang kausap sya, kasi close kami. Di ko lang masabi sa kanyang "DI NAMAN PUEDENG LAHAT NG ORAS KAUSAP KITA SA PHONE DIBA?" ayun, tapos pag sinasabi ko naman sa kanyang kesyo di puede ganun. Sasabihin naman nyang may sasabihin lang sya. Ganun. Tapos mapapatagal na naman ang usapan. hay. Kasalanan ko rin diba? Kung bakit kasi hinahayaan ko. *Grr* Tapos, lagi pa kong dinadramahan nun. Na kesyo, ayaw na daw nya, eto na daw ang tamang time para magpaalam na sya, ganun. Na syempre, nasasaktan na din sya, nahihirapan daw ako, pang gulo lang sya sa buhay ko, at kung anu-ano pang kadramahan. At malalaman kong bukas, kakausapin nya ulit ako.. at sasabihin nyang...


DI NYA KAYA.

O diba? What the?

Nakakainis. haha. Nung Tuesday nga, nagbalak pa pala yun na iwasan ako, kaya ang tahi-tahimik sa classroom, para daw mas mabilis nya kong malimutan. Ayun, tumawag sa bahay, syempre, dramahan to the max. AYun, tapos malalaman mo, tatawag ulit sya. Okay na sya ulit. Grr. Nakakainis. Basta, bahala na sya sa buhay nya, ako, ginawa ko na ang lahat para ipagdukdukan sa kanyang wala na syang pag-asa. Kasi bata pa ko, ilang beses ko na syang pinrangka pag tinatanong nya ko, ayaw kong makasakit ng tao, pero puede ba? Hindi na tama yung umasta syang ganun diba? Di na tamang magfeeling syang napakaimportante nya para sakin. Oo, importante sya, kaibigan ko sya eh. Pero puede namang magpakahumble sya at wag mag-expect na talagang napakahalaga nya sakin. hay. Nakakabadtrip. Di ko na lam. Feeling nya, merong KAMI pero wala naman. (Yun yung nakikita ko, sa mga pagtatampo nya) hay. Ang ewan mo "M" nakakainis ka. BAKIT PA KASI AKO PA? MADAMI NAMAN DYANG IBA? NAGPAPAKATANGA KA NGA BA? BATA PA TAYO'T DI PA ALAM ANG TUNAY NA KAHULUGAN NYAN. BAKIT BA PINAGPIPILITAN MO SAKING NARANASAN MO NA TALAGA. EH KUNG ANG MGA KINIKWENBTO MO NGA SAKIN AY DI KAPANI-PANIWALA? GUSTO KONG BATUKAN KA, GUSTO KONG SABUNUTAN KA, KUNG PUEDE LANG. PARA MATAUHAN KA NA.

Haha. Alam ko, wala akong karapatang sabihan sya ng ganun. Alam kong, kahit ako, di pa alam ang ibig sabihin nun, pero sa ngayon.. ALAM KONG TAMA AKO. ALAM KONG BATA PA KO MASYADO. ALAM KONG DI KO SYA GUSTO. ALAM KONG IBA ANG MAHAL KO.

"M" BAKIT BA DI MO MATANGGAP NA IKAW AY TALO?? MAY IBA NAKO. alam kong wala akong patutunguhan sa pagpapantasyang balang araw ay magugustuhan din nya ako, pero masaya akong, kahit papano ay napapangiti nya ko. Alam kong walang kwenta tong nararamdaman ko, alam kong may iba syang mahal at iyon ay hindi ako. Ni minsan, di ko inisip na ang panaginip ko'y magkakatotoo. Pero masaya akong nararamdaman ko ito. Wala akong pakelam kong may iba syang gusto, sapat na sakin, ang napapangiti nya ko.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home