Tuesday, September 12, 2006

HAY.

love isn't when you think you're blind
It's when you know you're wrong
but you didn't mind
Alam kong mali ako. Alam kong nagpapakatanga lang ako, sa paghihintay ng wala galing sayo. Sabi nila, bakit hindi na lang iba ang gustuhin ko? Mayabang ka, bugnutin, Feeling, Balimbing, Hindi marunong maging independent at nakadepende sa mga kaibigan, ayaw mong may nagagalit sayo.. Kaya kahit na masaktan ang iba, tuloy parin. Kilala na nga siguro kita, 3 taon na kong nagpapakatanga, 3 taon ko ng niloloko ang sarili ko na malay mo, balang araw, puedeng tayo. Lahat ng yun, naririnig ko, sa twing magkakasama kami ng kaibigan ko. Lahat yun, pinapamukha nila sakin, at alam kong totoo. May utak ako, at nakikita ko yun. Pero alam mo ba ang laging sagot ko? "Okay lang yun, ganyan naman talaga sya" Habang iniisip na kahit na gano ka pa kasama, na kahit gano ka pang nambabaliwala, tanggap kita. Dahil alam kong di ka perpekto, tao ka lang. Tanggap kita, wala akong pakelam sa sasabihin ng iba, wala akong pakelam na lait-laitin ka pa nila, basta ang sakin, sapat ng ganyan ka. Tanggap kita kung sino ka. Kahit ako pa ang awayin mo, ako pa ang isumbong mo, nawala na tiwala ko sayo, pero bakit ganito? Hanggang ngayon.. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Binalak kong kalimutan kita, masaktan man ako, okay lang sakin ang magpakamanhid, kesa ganitong nasasaktan ako. Kanina lang, pag gising ko, inisip kong wala naman ako sayo, heto nga't magka-away tayo, kaya mas mabuti pang magpakamanhid ako, pilitin sa sariling mali ang nararamdaman ko, pero bakit kanina, nung makita ka? Bumalik lahat ng nararamdaman ko, binawi ang mga sinabi ko. Bakit ba ganyan ka? Masyado mo na kong inaabuso, alam mong may gusto ako sayo, inaamin ko, anu mang oras, umaga't hapon, pinipilit kong magpakabait para lang sayo, dahil alam kong mainitin ang ulo mo. Ayoko ng lokohin ang sarili ko, gusto na kitang kalimutan para di na ko masaktan. Hindi ko alam, bakit pa kasi naramdaman ko to? Kahit na kaibigan ko eh pinagdududahan ko ng dahil sayo. Nagseselos ako tuwiong magkasama kayo, nasasaktan ako tuwing nagtatawanan kayo, sa tabi ko pa o di kaya'y sa harap ko. Pero mas pipiliin kong, magmukmok dito, kes masira ang pagkakaibigan ng dahil sayo. Alam kong wala akong karapatang magselos. Hindi naman tayo, pero.. Hindi ko alam. Siguro, kung puede nga lang. Matagal ko ng hiniling na sana di ko na lang naramdaman to. PERO.. SAPAT NA RIN SIGURO SAKING NAGPAPANTASYA AKO DITO AT UMASANG MAGIGING TAYO. Managinip ng gising at mangarap na balang araw ay magiging tayo. KAHIT SA PANAGINIP AY MARAMDAMAN KONG MAHAL MO DIN AKO. At least kahit ganitong nahihirapan na ko, hindi lamang dahil sayo. Masaya na kong, kahit sa pangarap man lang ay minahal mo din ako, kahit sa panaginip lang ay naramdaman kong mahalaga din pala ako sayo. Alam kong nagmumukha na naman akong tanga dito, pero sa ngayon, kahit na alam kong may galit ka sakin. Sapat na saking, naramdaman ko to. Sapat na saking napatunayan ko sa sarili kong, nagmahal ako.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home