Tuesday, September 26, 2006

Just when I thought I was over you

Waah. Ako din, ang tagal kong di nakapagpost. Busy sa school eh, pero I'm having fun naman, kahit na feeling ko kanina eh magkakasakit ako dahil sa sakit ng ulo. Ayun. Ang dami nga naming ginawa, sa totoo lang, gustong gusto ko ng matulog ngayon at kulang talaga ako sa tulog. Pero, haha. Parang kulang na kulang ang hours ng pag-iinternet ko. Ayun, ano bang mga nangyari ngayong week na to?

MONDAY: (Kahapon) Ayun, absent si Gelie. Pinag-uusapan na ang magaganap na party sa Saturday. Ayun, binalak ng mga friends kong wag na lang pumunta, dahil.. haha. Alam naman namin kung sinu-sino ang maghahari-harian dun. Pero ok lang, di ko pa nga sure kung papayagan ako eh, I asked my mom na. Sabi nya, pag-iisipan nya daw, kasi baka pumunta kaming Nagcarlan sa Saturday, Reunion thingy sa mothers side ko, eh minsan lang naman mangyari yun, at minsan lang din magbirthday ang mga kaklase ko, kaya di ko pa talaga alam kung papayagan ako. Kung puede nga lang tumakas ako eh. WAAAH! ITAKAS NYO KO! dahil gusto namin ni Aubrey na magvideoke. *yeah baby.Yeah* haha. Tsaka sabi ng mom ko, mahirap daw yun. haha. Magsiswimming, tapos may boys na kasama. Sabi ko, hiwalay naman eh, kahit dun sa pagtulog (Overnight party, btw.) ayun. Pero sabi nga nya, pag-iisipan nya. Si Selina nga, umiyak pa. Kasi birthday nya din sa 30, eh si Maggie, sa 29, ayun. Di naman sya papayagan, kasi syempre, birthday na birthday nya, tapos wala pa sya sa bahay nila. Kaya nga napagdesisyunan namin na sa kanila na lang pumunta kasi madaming di papayagan dun sa overnight. Pero.. bahala na si papa Lord sa mga mangyayari at sana payagan nya ko dahil may videoke dun.

PAHABOL: may luneta na naman sa classroom. Haha. Tama na pls. Di na maganda, di magandang namamangka ka sa dalawang ilog porket nasa kabilang section ang gf mo. Tsaka.. May nasasaktan na.

TUESDAY (Ngayon) : Ayun. Okay naman, ang dami naming ginawa, wheew. Kapagod tong araw na to, may 2 pa kaming UT. pero ok lang naman, I joined the quiz bee. O diba?! Sosyal. haha. Kahit na feeling ko ako ang pinakatanga saming 4, ok lang. haha. At least nakasali. Ayun, abaout dun sa party, pinyagan na si Selina, pero di overnight, kaya sabi na lang namin, dun kami sa umaga, bale dun na yung lunch, hanggang hapon, tapos diretso kela Maggie ng 6:00 pm. Pero, hay. Hanggang ngayon di parin ako pinapayagan. Waaaaaaaaaah! TULONG. hmm. Hay, pipilitin ko talagang sumama. Tsaka ayun, wala naman masyadong nangyari. Gumawa lang ako ng poem, haha. Nawala ko yung tagalog kanina eh. Pero eto, 1st stanza pa lang nagagawa ko na english pero suko na agad ako.

My heart breaks in two
with just a thought of you
Tears fall dwon my cheeks
there's nothing I can do but weep.
Ayun. haha. nagsimula at natapos ang araw na magkatabi silang dalawa, okay lang, basta masaya sya. Ok na kong, andun na lang.. Nanonood sa kanila.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home