Wednesday, September 27, 2006

yay.

waaaaaaaaaah.! Sana pasamahin ako. sana payagan ako. Feeling ko papayagan na ko! SANA LANG. haha.. Ayun, I'll update you guys tom. Tinatamad akong magupdate ngayon. haha. Basta hay. NASASAKTAN NA TALAGA AKO BF!

di ko malaman kung anong gusto mo,
kahit na napakagago mo,
andito parin ako nagmamahal sayo.
May isa akong kaibigan, hindi ko alam kung anong meron,
bakit sya ganoon?
Di nya ba napapansing ako'y nasasaktan?
Sa twing magkatabi sila't nagtatawanan.
Alam kong wala akong karapatan
Magreklamo't masaktan.
dahil sayo ako'y wala lang naman.

Pighati ng aking puso'y pakinggan mo,
andito sa malayo, nakatitig lang sayo
Nagtatawanan pa kayo
Sandali lang ha? Naiinis na ako.

Ikaw ay minamahal ko,
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Muka na nga akong tanga para sayo,
Bakit di ko pa ba itigil tong nararamdaman ko?

Di ko alam kung paano.
Sisimulan ay di alam kung ano.
Sana nga'y mabura ka na sa isip ko.
Ngunit paano? Paano?

Sabi ng mga kaibigan ko,
Napakayabang mo, walang kwenta't gago.
Bakit hanggang ngayon ikaw parin ang pinapantasya ko?
Kahit alam ko namang sasaktan mo lang ako.

Kahapon lang, ako'y tuwang tuwa.
Di maipaliwanag ang natatagong saya.
Kulang na lang ay sumayaw at kumanta
Ngiti ko'y abot tenga na.

Akala ko'y mahalaga ako sayo,
diba nga tanggap ko na na di puede maging tayo?
na tingin mo lang sa akin ay isang ordinaryong tao.
Ok na sakin yun, bakit biglang nagkaganito?

Lumamig ka sakin,
Di mo na nga pinapansin.
Bumalik na naman ang pagiging masungit mo sakin.
Dahil isa na lang ang nais mong pansinin.

Isa sa harap, isa sa tabi,
Ako nasa likod lang, nagmumuni -muni
Tinitignan ko na lang na ika'y nakangiti.
Hayaan na ang aking pusong magkubli.

Sige na lang.
Hayaan mong ako'y masaktan.
Ano nama't di ka naapektuhan.
Basta ako andito, nagmamahal sayo..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home