Tuesday, May 23, 2006

new lay-out.... AGAIN

Bagong lay-out na naman.Photobucket - Video and Image Hosting Masyado na akong naawa sa tatty bear.Photobucket - Video and Image Hosting haha.. Nakakatamad na yung lay-out ko, tsaka nasiraan na rin siguro ako ng ulo sa paglalagay ng haloscan sa blog ko, ayun.Photobucket - Video and Image Hosting ipaplug ko lang ang blog ng kuya ko,Photobucket - Video and Image Hosting kahit wala pang kapost post: http://nephilim-02.blogspot.com daan lang kayo.. kahit wala pa kahit isang post at napakablangko pa. haha.. makikita nyo dyan ang sobrang kaadikan sakin ng kuya ko.Photobucket - Video and Image Hosting

ayun.. gusto ko lang magpost, parang ang tagal tagal ko ng di nakapag-update.Photobucket - Video and Image Hosting haha.. share ko lang yung mga jokes na sinend sakin ngayong week na to...Photobucket - Video and Image Hosting


Anong
Apelyido
ni "Cedie?"



eh di.. "PLAYER"



"CEDIE PLAYER"..



malusaw ka sa kakornihan.. hehe.
Sender: Ate Joan
Sent: 21-May-2006
-------------------------------------------------------
Kung ang Friend ng nanay mo ay pinsan
ng kamag-anak mong kapitbahay ng tita ng pinsan
mo sa side ng tatay mo ng tita mona kapitbahay ng
tatay mo, ano naman ang..
pakialam mo>??
Sender: Lorna
Sent: 22-May-2006
--------------------------------------------------------
Mnsn ppunta ko ofis at nsa jip ng my
mkskayan akong tindra n my bilaong
sobrng baho. d ko nmn makta kc may takip!!
Dahil ncurious kung ano yung mbahong pninda nya,
tinanong ko, "Ale, ano po yang tinda nyo?"..at Sumagot
xang "BKET BIBILI KA?!" at dahil naphya, ntahimk
Nlang ako ng bglang nhulog ang bilao at ngkalat ung mbaho nyang paninda
S wakas nkita ko ang sobrang bahong laman!
gusto mo mlaman kung ano yon?
"BKET BIBILI KA??"
sender: manedyer KATH
sent: 21-May-2006
----------------------------------------------------------------


Tama nga si ate Joan, malusaw tayong lahat sa kakornihan,Photobucket - Video and Image Hosting haha.. ang ewan. pero sa totoo lang, nitong mga nakaraang 2 araw eh tawa ako ng tawa habang shinishare tong mga to sa mga bros ko. Ang epal ba? Epal nga. haha.. ayun.. haha. Isa pa nga pala, bakit ganun ang boys/guys?Photobucket - Video and Image Hosting masyado silang ewan. Walang magawang matino sa buhay. haha.. di po ako naloko o ano. Pero, diba tama naman? di siguro lahat, pero aminin na nating karamihan sa kanila mga manhid at mga walang magawang matino.Photobucket - Video and Image Hosting May isa akong kakilala, at sya nga ang isa sa mga nagpapabago sa panananaw ko sa mga boys sa panahon natin


Thea: blah.. blah..
Guy: blah.. blah..
Guy: Hon, anong e-mail ad mo?
Thea:?
Thea: Reply sa blah.. blah..
Guy: Sorry wrong send yung isa.
Thea: haha.. Ang bilis naman. (Kakabreak lang nila ng gf nya nung isang isang araw ata)
Guy: Anong mabilis?
Thea: Wala.
Guy: Ano nga?
Thea: Ang bilis mong makahanap ng bagong ipapalit sa gf mo.
Guy: Ah yun ba? Wala lang yun.. (May sinabi pa sya na talagang nakakaloko
eh, nalimutan ko lang.. alam nyo yung parang pinaglalaruan nya lang yung girl?
Thea: Blahhhh... Blahhh..


Diba? ANG EWAN.Photobucket - Video and Image Hosting hay.. sa totoo lang, sanay na naman ako sa kanyang ganyan sya, kaso lang,
parang ang sama parin nung nakikipaglaro lang sya,Photobucket - Video and Image Hosting yung parang wala man lang pakelam sa mga nasaktan nya.. (hindi po ako.. yung ex nya.)teka.. bat ko ba pinoproblema yun? Nung kinalaman ko dun?? yung sakin lang.. bakit sila ganun? Anong meron? Bakit di na lang, seryosong relasyon yung pasukin nila, hindi yung kelangan pang manloko ng iba para lang masabing ang dami na nilang nagiging gf.Photobucket - Video and Image Hosting hay..ganyan ba talaga sila? Baka nga matupad ko talaga yung promise kong 18 na ko magbibf.Photobucket - Video and Image Hosting Kung ganyan lang din naman diba? WAG NA LANG..Photobucket - Video and Image Hosting tama na nga tong pamomroblema ko sa guys.
Ang saya ko ngayon!! haha.. Napapalitan ko na sa Coke yung libreng 1 day unlimited.
Photobucket - Video and Image Hosting

Friday, May 19, 2006

OKAY NA

yan!! puede na din kayong magcomment! Comment kayo ha? hihi.. Special Thanks kayate Rish sa pagtulong sakin sa paglagay ng haloscan sa blog ko. Check nyo yung blog nya, ang cute ng drawings.. yun lang.
NEW LAY-OUT

Ayan! Tapos na! Kahit di pa masyado. Hay. ang hirap magpalit ng lay-out. Nakakabadtrip, halos 3 beses akong angpaulit ulit sa pag lalagay ng mga extra codes dahil di lumalabas yung 4 na navigation boxes. rawr! buti na lang at natapos na. haha.. Okay lang ba? Tingin nyo?? hay. Ang ewan nung bg song diba? Pang lolo ko na. Wala na kasi akong ibang maisip na medyo babagay sa lay-out ko kaya yan na lang. Pag nakahanap ako ng bago, papalitan ko. Medyo nakakasawa kasi pag paulit-ulit mong pinakinggan. Pano ba yung dun sa comments?? HELP ME!! Di ko alam kung pano yun, hay.. TULUNGAN NYO KO!! Pls?? Kasi pag nilalagyan ko sya nung comments (yung sa blogger talaga..Settings>Comments>Show>Paste Code) eh.. nawawala nga yung 4 na box, ayoko ng umulit pa.. waaah! tulungan nyo ko!!

Thursday, May 18, 2006

TO OBTAIN.... SOMETHING OF EQUAL VALUE MUST BE LOST.

Alam ko.. Alam ko.. Ang tagal kong nakapag-update. Haha.. Ang dahilan: I was too busy being lazy. Tinamad akong magblog, tsaka wala namang special na nangyayari sakin these days. Kung may nangyari man eh pagod na kong magtype at tatamaring magtype the next day. Kaya babawi ako sa inyo ngayon.

Nung May 12 (Friday) Umalis na yung dad ko. Nagpunta na syang Africa. Hay. Ewan. Kahit na sanay na sanay na ko sa pag-alis nya, parang nag iba ngayon. Mas lalo kasi kaming naging close sa kanya, Kaya kahit na mula pa nung pinanganak ako eh umaalis-alis na sya, Parang Iba ngayon, Miss ko na yung araw-araw naming pagpunta sa mall nung nandito pa sya, Yung maaga naming pagtulog tuwing nandito sya. Yung sabay-sabay at sa isang mesa kami kumakain.. basta halos lahat lahat miss ko na. Hinatid namin sya sa Airport, Kung kelan sya aalis sumabay naman ang pagdating ng bagyo sa may samin. Ang ewan. Mas naging senti tuloy ako ng ilang days. Baka after 3 months, nandito na ulit sya. 6 months kung pipirmahan nya yung bagong kontrata. hay.. Tama na nga tong kadramahan ko tungkol sa dad ko, lam ko namang sya din, nahihirapan.. Tuwing aalis sya, mas nahihirapan sya kase sya lang mag-isa, wala syang kasama.. di nya kasama. Kaya dapat isama na nya kami sa Africa!! haha.. j/k. Ganun daw eh noh? Ang hirap atang tumira sa ibang bansa, lalo na dun. Kaya nga tama na talaga tong pag-isip ko sa tatay ko at mas lalo na naman akong malulungkot.

Nung isang araw, nagpunta kaming Manila, Kinuha ng mom ko yung passport nya, pati ako, kinuhan na rin nya ng passport. yay~ haha.. nope. di ibang bankami lalayas papuntang sa, ewan ko bakit bigla na lang nagkuhaan sila.. pati mga tita ko. haha.. Ayun, dapat pupunta kami sa Embassy ng Singapore, kaso.. naiwan yung address sa bahay, kukuha sana kami ng form para dun sa Scolarship.. wow. sana naman pumasa ako dun, kung seseryosohin nila yung pagpapa-apply sakin dun. Napakataas ng expectations ng mga magulang ko sakin, ang dami na kasi nilang nagawa para lang matuto ako. Ang dami na nilang ginastos para lang pumasa ako sa Math training ko. Hay.. Ang ewan. tapos kung sakali mang bumagsak ako, alam kong mapapahiya lang ako sa kanila. Kaya nga pinipilit ko sa dad ko na wag na lang. Baka di ako pumasa.. Pero sabi nila, itatry lang naman. Sa bagay, malay naten pumasa ako diba? haha.. Saya. Sana nga pumasa ako. Anyway, ayun na nga.. dumiretso kami sa SM Manila, tapos gala gala. Eh syempre.. di naman papalampasin ng mom ko ang tsansang andun kami sa Manila, dumiretso na kami sa Divisoria. Grabe ang polusyon,Ang saya sanang magshopping-shopping dun.. Ang mura ng bilihin, kaso nga lang, di ka masyadong makakatiis sa amoy ng usok pati ng mga kung ano dun sa pagbyahe, eh commute lang naman kami. Hay.. halos di na ko makahinga sa sobrang polusyon dun. hmmm.. Ayun, namili. Tapos diretso uwi.. Ayun. Bonding moments na naman with my mom. Ang saya, haha.. kahit mga ganung trips to the mall o kahit san pa man eh, nakakapagbonding kami ng mom ko.





ayun.. haha. Yung title ko nga pala. haha.. Yan ang halos araw-araw na naririnig ko sa kuya ko. Tonong Tono pa. haha.. nahawa na ata ako sa araw-araw nyang panonood ng FULL METAL ALCHEMIST. haha. Ang ganda ng storya, Panoorin nyo rin: Sa Animax,Monday-Friday 6:00 p.m., tapos may reply ng 9:00 p.m. ang 12:00 mn. hmm.. Basta nahook na ko sa Anime na yun, kahit di ako masyadong mahilig sa Anime, pinanood ko, Thanks sa Kuya ko na dati pa kong pinipilit na manood nun. Kwento ko ng konti yung tungkol dun, kasi ganito.. May 2 magkapatid, Si Edward (Yung yellow yung buhok) Tapos si Alphonse -- di ko sure yung spelling pero alam ko ganyan ( Yung Robot ) [Dun sa first tym na makakapanood nun, Aakalain nyo, si Alphonse yung mas matanda kay Edward pero mas bata sya.. Ang cute ng boses, kahit di masyadong bagay sa napakalaki nyang katawan. Ayun, Tapos sobrang saya nilang 3, ng mommy nila. Iniwan kasi sila ng tatay nila, na kilalang kilala talagang Alchemist (Wag nyo na kong tanungin kung ano man yun.. di ko alam kung pano iexplain.) Ayun, tapos nung bata sila.. namatay yung nanay nila. Eh si Edward, kahit mga 10 yrs old palang ata sya nun, marunong na syang gumamit ng Alchemy, Magaling sya.. nagmana ata sa Dad nya. Dahil nga sa sobrang mahal nila yung mom nila, They decided to use Alchemy to bring her back. Eh, According o the law of Alchemy: TO OBTAIN.. SOMETHING OF EQUAL VALUE MUST BE LOST. eh ayun, nung ginagawa na nila yung ritual nga, something unexpected happend, may parang Black(actually it's purple)-Hole-Thingy na may kumuha kay Alphonse, mga 9 yrs old sya nun.. Eh si Edward, ayaw nyang mawala yung bro nya, kinuha nya yung soul ni Al, tapos nilagay sa isang malaking robot. Tapos ayun.. Dun na nagsimula, Gustong maging magaling na Alchemist ni Edward para mabalik nya yung dating katawan ni Al, at mabalik na din yung braso nya tsaka yung binti. Hay.. Ang ganda talaga, may mga episodes na nakakaiyak. Panoorin nyo ha? Promise?? :) kahit gusto ko pang yun yung lay-out ko, kasi nakakatamad mag palit ng lay-out, pinalitan ko na rin, kasi tag-ulan na, di na appropriate yung lay-out ko sa season diba? hmm.. ayun. Under construction pa rin sya, wala pang kung anu-ano..

That's ALL. haha. masyado ng madami.. and I'm gonna watch PBB na. mwah!

Wednesday, May 03, 2006

La...La..La..

Hay. Nakakainip dito sa bahay. Sobrang init pa!! Summer na Summer.. Kung puede lang eh pumunta ako ngayong beach at magpakasirena ngayon dun. Kaso hindi eh, di puede. Hay, di ko parin alam kung sasama ako sa lolo ko papuntang Caluya.. (Antique) hmm.. tingin nyo? Sasama ba ko o hindi? Kasi, ngayong May 12 na aalis yung dad ko papuntang Africa.
(OFW sya.) Kung sasama pa ko sa lolo at mga bros ko papunta dun, kawawa naman dad ko, ilang months na naman bago sya umuwi dito. Tsaka isa pa, umalis yung househelper namin, umuwing Mindoro, baka matagalan pa bago makahanap ulit kami ng bago.. Kahapon lang kasi nya sinabing mag-papakasal na daw sya. Ang paaalam lang kasi samin eh, isasama daw sya ng tatay nya papuntang Mindoro, xe gusto syang makita ng mga relatives nya dun. Kaya pinayagan na rin. Tapos bigla na lang nagtxt kahapon sa mom ko: Te, Di na po ako makakabalik dyan, kasi po ik2sal na ko. Pasensya na po talaga. Nakahanap na naman po ako ng papalit sakin. Maraming Salamat po. Kahit ayaw ko pa syang umalis (Ilang years na rin kasi sya dito..) Pero, kelangan eh, hayaan na lang dapit namin syang lumigaya.

Ate Bebe: Thanks sa lahat lahat. Mamimiss ko yung Adobo mo. Teecee na lang! and Best wishes sa inyo ng magiging husband mo.

Ate Bebe : Manila Zoo

---------

Nagpunta Kami kahapon sa Manila Kahapon, sinamahan ko yung dad kong kumuha nung ticket nya. Dapat talaga, Pupunta kahapon si Xen-xen, sa bahay namin. Para nga sa kanyang "surprise" visit. Tapos manonood kami ng Laro nila Gyver sa Court ng Asia 2. Excited pa naman ako, kaso, sabi ng dad ko. Samahan ko daw muna syang magpuntang Manila, Bukas na lang daw papuntahin si Xen-xen, pagkatapos ng enrollment. Umalis kami ng mga 8:30 a.m., Tapos, Sabi ng dad ko, baka daw iwanan na lang namin yung sasakyan sa SM Bicutan, kasi baka di kayanin sa Mandaluyong, eh nakatulog ako, pag gising ko, lampas na kami ng Alabang. Ayun, dineretso na lang ng dad ko.. tapos nahuli pa kami ng.. pulis? haha. Yung mga nakayellow sa daan? Basta yun na yun..(Wag nyo ng itanong kung baket) Hay, medyo natagalan pa kami dun, kasi chineck pa.. eh, ayun. Mga after 30 minutes. (Haba ng Pila eh..) Nakaalis din kami, Pagakatpos naming mag gala sa SM, nagpunta kami sa TLRC. Nakasabay pa namin yung Rey Langit ba yun? sabi ng dad ko.. Di ko kilala kung sino man yun, niloloko nga lang ata ako, pero halos lahat ng tao nagtitinginan sa kanya.. kaya sikat siguro sya. Pero di ko sya kilala. hmm.. Yun, kumuha yung dad ko ng mga manual para dun sa Mango processing, tapos nagtanung-tanong din. Sabi daw para sa business namin, mga after 2-5 years, mamumunga na yung manggahan namin sa davao, sabi ng dad ko, baka daw doon na lang kami tumira. (Kweenie Karen!! Hintayin mo ko dyan!) haha.. Tapos, magtataxi sana kami pabalik ng SM, kaso.. niyaya ako ng dad kong magMRT.. First Time ko!! Kahit nakatayo lang kami, okay lang.. naenjoy ko naman ang pagsilip sa bintana habang nakasakay kami. haha.. Nagpunta kami sa Glorietta 4, tapos bumili ako ng isang Hello Kitty na Bag, tsaka isang Yellow Sanrio Top. Ang cute!! Tapos, dumiretso na kami, para kuhain yung, ticket ng dad ko. Tapos.. diretso uwi. Pagdating namin dito, puno na naman ang bahay, at bumisita yung lolo at lola ko.

-----

*bow* nitatamad na kong magtype. Gusto ko lang mag-update. Kaya ayan.. haha.. Medyo napahaba nga ata eh. hehe.