Thursday, June 22, 2006

SCHOOL

Thanks sa lahat ng dumadaan pa sa blog ko, kahit alam kong napakawalang kwenta, at ilang taon bago ako makapag-update. Thanks kay Faye, nabuhayan ako ng loob para mag-update.

June 7-First day of School. Happy ako kase, kami-kami pa ring magkaclassmates last year ang nasa iisang section ngayon, Walang bago, pero may kulang na isa. Pero okay na yun. Ayun, First day na First day, muntikan pa kong malate, may sumundo kasi saking ibang service, eh ako naman, sumakay din. Di ko kasi alam kung nagbago na yung sasakyan pati bagong service driver na, Yun pala, gusto lang ako nung makiservice sa kanila, kasi, parang dumadaan din sa street namin yun, para isang hatidan daw. Eh ayoko dun, nung tinanong ko naman yung driver kung sya ba yung service driver nila Mrs. Aseneta, oo naman, eh ako, nakisakay narin. Yun pala, Hindi. Nasiraan pa kami. Eh ang tagal tagal ayusin, nagcommute na lang ako papuntang school, eh isang sakayan pa yun, na medyo may mahaba-habang lakaran pa. Ayun, buti na lang di ako nalate. Ayun, ang daming new students lalong lalo na sa 1st year Highschool, tapos madami ring nawala. Ayoko sa mga seniors ngayon, kaya parang ang lungkot lungkot sa school namin, yung batch kasi nila, nandun yung mga pinakamatataray sa school, mga maldita nga. Eh yun, yung batch pa naman nila, ang init init ng dugo saming mga Juniors. :P

<>

JUNE 16

HAPPY BIRTHDAY TO ME!! yey~ I'm already 14 years old. Dalaga na.. haha. Pero feeling ko, wala paring nagbago sakin. Ayun, Binigyan ako ni Selina ng cute na stuffed toy, tapos yung iba kong mga classmates, cards and letters. Binigyan ako ng buong class ng gift, isang folder na may letter/sign nilang lahat. Natuwa ako kasi ang daming nakaalala ng birthday ko, kahit yung ibang 2nd year and First year, binabati ako. ^_^ Di na ko nagparty, haha. Yoko na ng mga ganun ganun. Eh since may pasok kami, kasi friday yun, sa bahay na lang muna ako. Tapos nunuod kami ng movie tom. ng kada ko sa SM Sta. Rosa, (plus+ may isang sabit na bf ng isa kong kada) Ayun, nasa bahay lang ako, naghanda ng konti yung mom ko, tapos nagttalk. haha. Ang saya ko nung day na yun, ang dami ding nag greet sakin. ^_^ Binigyan din pala ako ng gift ng aking co-preensesa NYANI eto o: Ang cute. haha.
JUNE 17
Ayun, nagkita kami ng mga friends ko sa Carmell mall, Late pa ko ng Mga 15 minutes. haha kahiya, naghintay pa sila dun, pagkatapos nun, hinatid kami hanggang SM ng tito ko, tapos kumain sa KFC, treat ko, tapos naglakad lakad ng konti. We are supposed to watch The Omen, pero ayaw kaming payagan nung babae, kasi sabi, dapat daw, kung walang kasamang matanda, may dalang I.D. (eh walang may dalang I.D. samin), ayun, we end up watching Kapag Tumibok ang Puso, haha. Katuwa. tawa lang kami ng tawa, tapos bago magtapos yung movie, yung babae dun sa likod namin, pinapatong ba naman yung feet nya dun sa may upuan, nasa pagitan na namin ni Xen xen, tawa na lang kami ng tawa, tapos, naglakad lakad na lang kami dun, shopping. haha. Kahit halatang nababagot na yung isa pa naming guy na kasama. Umuwi kami mga 5:00 p.m. Sobrang traffic tapos ang lakas pa ng ulan. Bumili nga pala kami ng hair band na pink, haha na may malalaking stars, basta ganun. Post ko yung pics kung makuha ko sa cabinet ng mom ko yung digicam, 4 kaming may ganun, nung Monday, sinuot namin. haha. Kahit medyo nasira yung sakin, nawawala pa naman yung glue gun namin.
Yun na lang siguro muna, baka mapahaba pa to, update ulit ako soon. Sana walang magsawa sa kahihintay ng napakatagal kong mga posts. :-*