Wooot. excited na ko for tom. haha. JMC ang maglilead ng unfreezers. O diba? haha. Sasayaw ako sa stage. First time! Wag lang sana akong manigas dun. Nagpraktis kami kanina eh, sasayawin namin yung Kabataang Pinoy. Tapos ipipresent din namin yung naging buhay ni Mother Mazarello dati. Hay. Kapagod, 6:00 na nga ako umuwi, kasabay ko si "M" hehe. Tapos yung 2 kada ko, tsaka si Kenneth (Kabatch namin). Haha. Malapit ng exams! kakakaba. Parang feeling ko babagsak ako!! haha. Wag naman sana. Di ko muna siguro poproblemahin ang mga problema. wahaha. Nikakabahan na rin ako para sa August 11.
Ieextend ba? O HINDI?? Kasi yung sabi ko talaga, kay "M" na after 30 days nga, tapos wala pa. Tumigil na sya, kasi walang patutunguhan yung mga ginagawa nya. Tapos kung sakaling after 30 days, na nalaman kong may chance pa, sige. Tutuloy. Ano ba? Gusto ko na rin sya. (Medyo, mga 3.25 out of 5, samantalang si BF (yung crushie ko) haha. 4. Kaso, talagang di pa siguro to yung right time. Sa ngayon, alam kong HINDI ang magiging sagot ko, kahit na madaming taong pupunta sa August 11, kasi may party pa yung section namin kasi tapos na yung exams. Ilang days na lang, kelangan ko na talagang sagutin yun. Pero alam kong HINDI ang sagot na patutunguhan nito. Di pa talaga siguro (sa ngayon) ang right time. Di pa ko ready, pwera na lang if makakapaghintay sya ng mga 4 years. Parang napakaimposible noh? pero kung Kami, kami talaga? wahaha. Bahala na si papa Lord sa mga nangyayari sakin ngayon. Sabi nga nya sakin.. Siguro, okay na okay daw kung kahit sa harapan ng madaming madaming tao, magpropose sya sakin. :P Kasi, alam nya daw na medyo may pagkabato ako --SINABI NYA TALAGA YUN. Haha. Sabay bawing, may tiwala daw sya sakin. Alam nyang di ako magpapadala sa mga taong nakapaligid sakin. Alam nya daw na kahit na mapahiya pa sya sa harap ng madaming tao. YUNG TOTOONG SAGOT ANG MAKUKUHA NYA. Yung desisyon ko, na walang nakakaapektong iba. Nagpasa nga sya ng project sa Filipino (Poem), ayun.. haha. Di na kasi ako nag-unli kaya gumawa na lang daw sya. May copy ako ng tula. haha. Basahin nyo:Ako'y natuwa simula ng nakilala kita
Di alam ang gagawin sa tuwing nakikita ka
Minsan ako'y kinikilig kapag ikaw ay tumawa
Ni minsan di naisipang lumingon sa iba
Minsan naisip kung mahal ba talaga kita?
Dahil sa iyong puso na hindi ko makuha
Tuwing nakikita na ika'y lumingon sa iba
Dyan pa rin ako di nawawalan ng pag-asa
Kahit ako'y napaisip sa mga ginagawa ko
Alam ko pa ring tama ang nararamdaman ko
Kahit sabihin mong malo tong ginagawa ko
Hindi pa in ako Kagad susuko para sa'yo
Gagawin lahat kahit masakit sa loob ko
Makita ka na masaya, masaya na din ako
Kahit makita kita sa piling ng mahal mo
Masaya na din ako basta para sa mahal ko
Ako'y nagtataka kung bakit ikaw ang minahal ko.
Madami naman dyang babae na mas gusto ako
Pero iba pa rin ang nararamdaman ko sa iyo
Siguro mahal kita kaya ako nagkaganito
Mahal kita ng totoo at ako'y seryoso
Kailan man ay hindi naisip na magloko sa iyo
Dahil ikaw ay mahal ko at ako ay desidido
Ni minsan hindi inisip ang kapakanan ko
Ako ay naghirap ngunit hindi napapagod
Minsan sinasabi mo na mapapagod din ako
Pero yun ang akala mo, di napapagod 'to
Basta para sayo ay magsasakripisyo
Minsan mo na ring nasabing itigil ko na to
Pagmamahal ko na nais ialay sayo
Ngunit di kayang pigilan nararamdaman ko
Kaya kaylanman di ko inisip matigil to
Ngayong malapit ng matapos ang tulang ito
Nais kong malaman mo ang nararamdaman ko
Wala man sa akin ang hinahanap mo
Napakita ko naman ang nararamdaman ko
Sana'y kahit sandali ay pagbigyan mo ako
Patunayang pag-ibig ko sayo ay totoo.
Pakinggang mabuti ang tibok ng puso ko
Ikaw ay aking mahal, nag-iisa sa aking mundo.
Ang title daw, THEA. :p Baliw noh? Pero di mo talaga aakalaing gagawa sya ng ganyan, sya kasi yung tipo ng taong, SIGA. BALIW. MAKULIT. GALAWGAW. basta, kilala sya sa klase namin bilang isang dakilang pasaway. Madami na din syang napaiyak na teachers at estudyante, sa buong school namin kilala yung boses nya. Kaya di mo talaga aakalaing ganyan sya. Ngayon ko nga lang nalaman na iyakin din pala sya, Noong una ay di ko talaga Inakala. (haha. Nagiging makata na rin ako) Ilang beses na syang umiyak sakin, 4 na ata, Samantalang yung ibang mula elementary ay classmate nya, ay First time pa lang syang nakitang umiyak. Hay. Nkakainis, bakit pa kasi ako napasok sa ganitong sitwasyon?? Di ko alam kung maawa ba ko sa kanya, minsan naiinis ako sa sarili ko. Ewan ko ba. Sabi ng mga classmates ko,
mga text messages na natatanggap ko nung katext ko yung mga yun at iba pang sinabi nila:
"Lam mu Thea. Ang masasabi ko lang, ang
swerte swerte mo kay "M""
"Thea, ang swerte mo ikaw pa ang minahal ni
"M""
"Mahal na mahal ka ni kuya, ngayon lang naging ganyan yan"
"Sa tagal na naming magkaklase nyan, ngayon lang nanligaw
ng ganyan yan. Wag mo ng pakawalan"
Nu ba sa tingin nyo? DI ko alam, di ko alam kung anong gagawin. Ayoko ng pagpatuloy nya, ayokong dumating ang araw na parehas pa kaming lumuha. (haha. Ang corny na.) OO o HINDI? hay. Di ko alam. Hindi pa talaga siguro ito yung right time. Sinabi ko na sa kanya yun, ilang beses na, yung iba nga, kilala na ko sa pagbabalewala sa kanya. Binabalewala ko daw, ganyan. Pero hindi ganun, ilang beses ko na syang sinabihang itigil na nya.. Walang patutunguhan. at alam mo ang sagot nya?? "Kahit mabsted ako sayo, kahit iba pa ang mahal mo.. maghihintay ako" Hay. ANG HIRAP. :(