Wednesday, September 27, 2006

yay.

waaaaaaaaaah.! Sana pasamahin ako. sana payagan ako. Feeling ko papayagan na ko! SANA LANG. haha.. Ayun, I'll update you guys tom. Tinatamad akong magupdate ngayon. haha. Basta hay. NASASAKTAN NA TALAGA AKO BF!

di ko malaman kung anong gusto mo,
kahit na napakagago mo,
andito parin ako nagmamahal sayo.
May isa akong kaibigan, hindi ko alam kung anong meron,
bakit sya ganoon?
Di nya ba napapansing ako'y nasasaktan?
Sa twing magkatabi sila't nagtatawanan.
Alam kong wala akong karapatan
Magreklamo't masaktan.
dahil sayo ako'y wala lang naman.

Pighati ng aking puso'y pakinggan mo,
andito sa malayo, nakatitig lang sayo
Nagtatawanan pa kayo
Sandali lang ha? Naiinis na ako.

Ikaw ay minamahal ko,
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Muka na nga akong tanga para sayo,
Bakit di ko pa ba itigil tong nararamdaman ko?

Di ko alam kung paano.
Sisimulan ay di alam kung ano.
Sana nga'y mabura ka na sa isip ko.
Ngunit paano? Paano?

Sabi ng mga kaibigan ko,
Napakayabang mo, walang kwenta't gago.
Bakit hanggang ngayon ikaw parin ang pinapantasya ko?
Kahit alam ko namang sasaktan mo lang ako.

Kahapon lang, ako'y tuwang tuwa.
Di maipaliwanag ang natatagong saya.
Kulang na lang ay sumayaw at kumanta
Ngiti ko'y abot tenga na.

Akala ko'y mahalaga ako sayo,
diba nga tanggap ko na na di puede maging tayo?
na tingin mo lang sa akin ay isang ordinaryong tao.
Ok na sakin yun, bakit biglang nagkaganito?

Lumamig ka sakin,
Di mo na nga pinapansin.
Bumalik na naman ang pagiging masungit mo sakin.
Dahil isa na lang ang nais mong pansinin.

Isa sa harap, isa sa tabi,
Ako nasa likod lang, nagmumuni -muni
Tinitignan ko na lang na ika'y nakangiti.
Hayaan na ang aking pusong magkubli.

Sige na lang.
Hayaan mong ako'y masaktan.
Ano nama't di ka naapektuhan.
Basta ako andito, nagmamahal sayo..

Tuesday, September 26, 2006

Just when I thought I was over you

Waah. Ako din, ang tagal kong di nakapagpost. Busy sa school eh, pero I'm having fun naman, kahit na feeling ko kanina eh magkakasakit ako dahil sa sakit ng ulo. Ayun. Ang dami nga naming ginawa, sa totoo lang, gustong gusto ko ng matulog ngayon at kulang talaga ako sa tulog. Pero, haha. Parang kulang na kulang ang hours ng pag-iinternet ko. Ayun, ano bang mga nangyari ngayong week na to?

MONDAY: (Kahapon) Ayun, absent si Gelie. Pinag-uusapan na ang magaganap na party sa Saturday. Ayun, binalak ng mga friends kong wag na lang pumunta, dahil.. haha. Alam naman namin kung sinu-sino ang maghahari-harian dun. Pero ok lang, di ko pa nga sure kung papayagan ako eh, I asked my mom na. Sabi nya, pag-iisipan nya daw, kasi baka pumunta kaming Nagcarlan sa Saturday, Reunion thingy sa mothers side ko, eh minsan lang naman mangyari yun, at minsan lang din magbirthday ang mga kaklase ko, kaya di ko pa talaga alam kung papayagan ako. Kung puede nga lang tumakas ako eh. WAAAH! ITAKAS NYO KO! dahil gusto namin ni Aubrey na magvideoke. *yeah baby.Yeah* haha. Tsaka sabi ng mom ko, mahirap daw yun. haha. Magsiswimming, tapos may boys na kasama. Sabi ko, hiwalay naman eh, kahit dun sa pagtulog (Overnight party, btw.) ayun. Pero sabi nga nya, pag-iisipan nya. Si Selina nga, umiyak pa. Kasi birthday nya din sa 30, eh si Maggie, sa 29, ayun. Di naman sya papayagan, kasi syempre, birthday na birthday nya, tapos wala pa sya sa bahay nila. Kaya nga napagdesisyunan namin na sa kanila na lang pumunta kasi madaming di papayagan dun sa overnight. Pero.. bahala na si papa Lord sa mga mangyayari at sana payagan nya ko dahil may videoke dun.

PAHABOL: may luneta na naman sa classroom. Haha. Tama na pls. Di na maganda, di magandang namamangka ka sa dalawang ilog porket nasa kabilang section ang gf mo. Tsaka.. May nasasaktan na.

TUESDAY (Ngayon) : Ayun. Okay naman, ang dami naming ginawa, wheew. Kapagod tong araw na to, may 2 pa kaming UT. pero ok lang naman, I joined the quiz bee. O diba?! Sosyal. haha. Kahit na feeling ko ako ang pinakatanga saming 4, ok lang. haha. At least nakasali. Ayun, abaout dun sa party, pinyagan na si Selina, pero di overnight, kaya sabi na lang namin, dun kami sa umaga, bale dun na yung lunch, hanggang hapon, tapos diretso kela Maggie ng 6:00 pm. Pero, hay. Hanggang ngayon di parin ako pinapayagan. Waaaaaaaaaah! TULONG. hmm. Hay, pipilitin ko talagang sumama. Tsaka ayun, wala naman masyadong nangyari. Gumawa lang ako ng poem, haha. Nawala ko yung tagalog kanina eh. Pero eto, 1st stanza pa lang nagagawa ko na english pero suko na agad ako.

My heart breaks in two
with just a thought of you
Tears fall dwon my cheeks
there's nothing I can do but weep.
Ayun. haha. nagsimula at natapos ang araw na magkatabi silang dalawa, okay lang, basta masaya sya. Ok na kong, andun na lang.. Nanonood sa kanila.

Saturday, September 23, 2006

Weee.

Ayun. Talo kami, natalo kami ng Seniors, pero okay lang.. haha. Hayaan na lang natin sila, gagraduate na eh. haha. At least alam namin na mas magaling kami, sabi pa nga ng ibang teachers na mas magaling kami sa kanila eh. Pero, haha. At least may nakuha kaming chocolate/candy! haha. O diba? Sosyal? Ayun. Nagpunta kami kela Aubrey kahapon, naginternet. Haha. ANu pa bang ibang ka-adikan ang gagawin namin dun kundi mag-internet diba? haha. At kumain. :PAyun, buti nga sila Me-an At Selina lang ang nakasama namin kahapon eh, kasi pag sumama pa dun yung 2 tao na yun, I'm sure, may mga papalibot na naman saming mga tambay boys. wahaha. Ayun, chikahan kwentuhan ang mga ginawa namin dun, tapos diretso uwi. haha. Ayun. Ang saya ko kahapon, kahit wala kaming masyadong gumawa, naglaro lang ng kung anu-ano. :P AYUN. masaya ako kahapon (Aubrey! Sana sumama ka sa pagbaba kahapon, nung praktis nila) wahaha. Basta yun. Pero sa totoo lang, natauhan ako sa sinabi nila Gelie na, siguro di na magbabago yung tingin nya sakin, as a lil sis, or as his bestfriend. Pero what the heck? It's really okay. Sa totoo nga, Feel ko, napakaspecial ko, kasi at least he treats me like that, and he doesn't see me as one of his "chicks" and, I'm not a member of his fans club diba?. Unlike the other girls who like him, I stand out. I'm one of his friends, and I'm not someone who goes gaga over him (na minsan OA na). Just like what manedyer KATH said



DIBA MAY QUOTE NGA NA IF TWO PEOPLE DECIDED TO BE JUST FRIENDS
IBIG SABIHIN
THEY LOVE EACH OTHER TOO MUCH
THAT THERE'S NO NEED FOR A COMMITMENT TO STAY
CLOSE. Wink
AND
PLUS POINTS NA SAYO YUN
COS HE TREATS YOU SPECIAL,
IBIG SABIHIN IBA KA
TALAGA FOR HIM.. Wink
AT
HINDI KA TULAD NG IBANG BABAE
THAT MAY LOOK CHEAP DAHIL SA KAKAHABOL SA
KANYA&

Tama nga naman.. haha. Basta as of now, I'm really really happy. :P

Thursday, September 21, 2006

LOST IN LOVE.

Tagal ko na palang di nakapag-update. Namiss kita bloggie!!

SHOUT OUT//Plugs: Aubrey!! Hehe. Wala lang. :)

Ayun. Parang ang daming nangyari ngayong linggong to, haha. feeling ko lang. :) Ayun. Ang daming activities sa school, kaya ang saya. Minsan na lang kaming magklase. haha. Tsaka we won. haha. Sa elimination. tintinin.. Okay na yun, at least nakapasok sa final 4. haha. haha. Kahit 5 lang naman. Pero okay na yun. At least, kahit papano, nanalo kami. Naramdaman namin ang feeling ng nanalo. Tsaka isa pa, panalo na kami. haha. Kahit na di man nila i-announce sa buong mundong nanalo kami. Kahit sa maliliit na paraan, nanalo na talaga kami. Kasi, may mga natutong magsacrifice for the sake of others, yung talent ng bawat isa eh naipakita, at syempre.. Mas tumindi ata ang bonding sa bawat isa samin, kasi lahat kami ay nagtulong tulong para mapaganda talaga yung kanta. Kahit yung mga walang sawang nagchicheer sa banda, *ehem*ehem* At ang mga tigadala ng costumes *ehem* na may balak pa ding magsuot kahit tagapalkpak lang *ehem ulit* haha. basta ang saya, haha. Ayun, haha. I'll post the pics pag na-upload na nila sa friendster, :) Tsaka masaya ako ngayon. Basta masaya ako. haha. Aubrey!Alam mo na yun. :) Haha. Dahil kay "BF" lintek. Bakit ba ganun? haha. Ikaw lang ang taong, nakakapagpalungkot at nakakapagpasaya sakin ng sabay. Haha. Ang sarap ng feeling pag kasama ka. :P Ang sarap isiping kilala mo ko, magclassmate tayo. Ang mahirap lang.. mahirap isiping, napakataas mo, di kita maabot. at alam kong walang pag-asang maging tayo. :P Pero.. Masaya na kong kahit ganito, close tayo.

Ayun. Usap usap kaming 3 nila gelie pati Kon kanina. Ayun. Kwentuhan. Pero promise ko sa inyo. Kahit ganitong nangangarap ako..

TANGGAP KONG KAIBIGAN NYA LANG AKO. :) AT masaya na kong, kahit papano ay kilala nya pala ako.

wahaha. An drama. :)

Saturday, September 16, 2006

Sorry kung napakadrama ko kagabi. haha. Ang ewan, okay na ako ngayon. Okay na lahat. haha. Okay na kami ni BF, okay na kami ni "M" . Basta yun na yun. Tsaka about dun sa pagbabago-thingy, di ko na pala gagawin yun. haha. Di na kailangan, bakit pa? Okay na naman ako, at alam kong sa ugali ko ngayon, wala naman akong nasasaktang tao. Tsaka kung ganito naman talaga ako diba? Medyo emo ako last night eh, kaya kung anu-ano ng nasasabi ko. Pero everything's A-okay. :) Thanks sa lahat. haha. Napapansin nyo yung bagong layout? wee. haha. La lang, papalitan ko yan pag may nakita akong mas maganda, nadadala kasi ako sa BG music kagabi, kaya kung anu-ano ng naiisip ko. hehe. Ayun. May kikwento pala ako, haha. Nagpunta dito kahapon yung mga classmates ko: Aubrey, Kon, Kaye, Charisse, Minette, at si Kit-kit. Ayun. haha. La lang, wala naman kami masyadong ginawa, yung iba, nagigitara, yung iba, nanunuod ng Corpse Bride, yung iba kumakain, yung iba nag gagawa ng lego (At yung mga tipong di mo na maiistorbo dahil ayaw ng masira yung gawa. :)) haha. *ehem*Minette*ehem* haha. Ayun, tapos nauna na si Kon tsaka si Aubrey umuwi, ang natira na lang samin, yung mga natira. Ayun. haha. Kung anu-ano na lang pinag gagagawa. Pero ang saya ko kahapon, haha. La lang. Masaya lang ako. Di ko pa pala kung bakit ganyan yung bago kong layout. haha. May kinalaman yan sa panaginip ko last week na hanggang ngayon ay di ko parin malimutan. haha. Gusto nyong malaman? wahaha. yahoo id:tgerona_143 haha. As if naman may interesadong magtatanong eh? Basta yun. haha. Kahapon lang, sinabi kong, madali lang pala lumimot ng tao, pero napagtanto kong, ang hirap din pala. Lalo na pag mahal mo na..

Friday, September 15, 2006

...

Thanks sa lahat ng nandyan sa tuwing may problema ako. Okay na ata kami ngayon. Nagsorry na din sakin sya, kahit sa text lang, okay lang yun. Basta. Bahala na.. Hindi ako Okay ngayon. Sorry sa ibang naiistorbo pa dahil sa kadramahan ko..

Pero.. ang hirap pala nung. Madami ng naasar sayo.

Tapos di mo pa malaman kung bakit. :P sige, simula ngayon, iba ng thea ang makikilala nyo. Tatahimik na lang ako, para wala na kong magulo.
LAHAT NA KAYO MAGALIT SAKIN. :(

Wednesday, September 13, 2006

HELP!

Nahihirapan na ko. Naiinis ako sa sarili ko. :( Bakit ba sya ganun? Nakakainis ka!! Rawr. Kung puede lang kitang kagatin ngayon, kakagatin na kita. Tapos sasabunutan pa. :P Bakit ka ba ganyan? hay. Ako na nagsorry sayo. Ako ng nagmukhang tanga. Sa bagay, sino ba naman ako diba? MAS OKAY NA PALA NGAYON. MAS OKAY NA INIIWASAN MO NA LANG AKO. AT LEAST KAHIT SA GANITONG PARAAN, MATUTUNAN KO RING KALIMUTAN ANG PANGARAP KONG MERONG TAYO. :(

Ang saya ngayon. haha. Kahit na ang sama ng loob ko sa kanya. Pasalamat ko na lang sa mga kaibigan kong palaging andyan *Ehem**ehem* THANKYOU TALAGA SA INYO. Kahit na nahihirapan na ko, at least andyan kayo, napapatawa ako. :) haha. Basta, thank you talaga sa inyo. Hay. Ang saya ngayon, wala kaming klase kanina, ang dami kasing nagpuntang speakers from different schools para ipromote ang kanilang mga schools. haha. Nanakit ang pwet ko sa kakaupo don buong maghapon, pero masaya naman. haha. Gustong gusto ko ng magcollege, sa ngayon, haha. Ang mga pinagpipilian kong course: Engineering (Computer or Industrial), ComSci, tsaka Business mgt. Yun pa lang, haha. Kung may BS Astronomy lang dito, siguro yun na talaga kukuhanin ko, kaso wala eh. Natatakot nga ko para sa kuya ko, parang wala pang balak sa buhay. 4th year na sya, pero hanggang ngayon, di parin nakakapag-entrance Exam sa kahit isang university. Kaya nga talagang yun, sinabi ko na sa kanya yung mga natutunan ko kanina galing dun sa mga speakers. hay. Pero okay lang yun, haha. Kaya nam na naman siguro nya yun. Basta ako, balik na ulit ang tiwala ko sa isa kong friend, kasi napapansin din pala nya ang mga pinaparamdam ko, at napatunayan ko na na talagang di nya gusto si BF. Basta yun. haha.

sa ngayon, PIPILITIN KONG KALIMUTAN NA SYA.

Tuesday, September 12, 2006

HAY.

love isn't when you think you're blind
It's when you know you're wrong
but you didn't mind
Alam kong mali ako. Alam kong nagpapakatanga lang ako, sa paghihintay ng wala galing sayo. Sabi nila, bakit hindi na lang iba ang gustuhin ko? Mayabang ka, bugnutin, Feeling, Balimbing, Hindi marunong maging independent at nakadepende sa mga kaibigan, ayaw mong may nagagalit sayo.. Kaya kahit na masaktan ang iba, tuloy parin. Kilala na nga siguro kita, 3 taon na kong nagpapakatanga, 3 taon ko ng niloloko ang sarili ko na malay mo, balang araw, puedeng tayo. Lahat ng yun, naririnig ko, sa twing magkakasama kami ng kaibigan ko. Lahat yun, pinapamukha nila sakin, at alam kong totoo. May utak ako, at nakikita ko yun. Pero alam mo ba ang laging sagot ko? "Okay lang yun, ganyan naman talaga sya" Habang iniisip na kahit na gano ka pa kasama, na kahit gano ka pang nambabaliwala, tanggap kita. Dahil alam kong di ka perpekto, tao ka lang. Tanggap kita, wala akong pakelam sa sasabihin ng iba, wala akong pakelam na lait-laitin ka pa nila, basta ang sakin, sapat ng ganyan ka. Tanggap kita kung sino ka. Kahit ako pa ang awayin mo, ako pa ang isumbong mo, nawala na tiwala ko sayo, pero bakit ganito? Hanggang ngayon.. Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Binalak kong kalimutan kita, masaktan man ako, okay lang sakin ang magpakamanhid, kesa ganitong nasasaktan ako. Kanina lang, pag gising ko, inisip kong wala naman ako sayo, heto nga't magka-away tayo, kaya mas mabuti pang magpakamanhid ako, pilitin sa sariling mali ang nararamdaman ko, pero bakit kanina, nung makita ka? Bumalik lahat ng nararamdaman ko, binawi ang mga sinabi ko. Bakit ba ganyan ka? Masyado mo na kong inaabuso, alam mong may gusto ako sayo, inaamin ko, anu mang oras, umaga't hapon, pinipilit kong magpakabait para lang sayo, dahil alam kong mainitin ang ulo mo. Ayoko ng lokohin ang sarili ko, gusto na kitang kalimutan para di na ko masaktan. Hindi ko alam, bakit pa kasi naramdaman ko to? Kahit na kaibigan ko eh pinagdududahan ko ng dahil sayo. Nagseselos ako tuwiong magkasama kayo, nasasaktan ako tuwing nagtatawanan kayo, sa tabi ko pa o di kaya'y sa harap ko. Pero mas pipiliin kong, magmukmok dito, kes masira ang pagkakaibigan ng dahil sayo. Alam kong wala akong karapatang magselos. Hindi naman tayo, pero.. Hindi ko alam. Siguro, kung puede nga lang. Matagal ko ng hiniling na sana di ko na lang naramdaman to. PERO.. SAPAT NA RIN SIGURO SAKING NAGPAPANTASYA AKO DITO AT UMASANG MAGIGING TAYO. Managinip ng gising at mangarap na balang araw ay magiging tayo. KAHIT SA PANAGINIP AY MARAMDAMAN KONG MAHAL MO DIN AKO. At least kahit ganitong nahihirapan na ko, hindi lamang dahil sayo. Masaya na kong, kahit sa pangarap man lang ay minahal mo din ako, kahit sa panaginip lang ay naramdaman kong mahalaga din pala ako sayo. Alam kong nagmumukha na naman akong tanga dito, pero sa ngayon, kahit na alam kong may galit ka sakin. Sapat na saking, naramdaman ko to. Sapat na saking napatunayan ko sa sarili kong, nagmahal ako.

Friday, September 08, 2006

Wala lang. Post ulit.

Haha. Ang galing noh? Ang sipag kong mag-update ngayon. Ayun, inaayos ko yung blog ng klase namin, kahit di ako marunongt gumawa ng lay-out. Para may site lang ang bloggie namin, Okay na. Waah. Daming gagawin. Visit nyo nga pala yung bloggie namin: http://maluphet-maaasahan.blogspot.com, di ko pa pinapakita sa kanila, kasi di pa tapos, ang dami pang kelangang ilagay sa profile. Pero at least nakapagstart na. Yay. haha. Ayun, may kikwento nga pala ako, kagabi, kausap ko si "M" sa phone, halos mga 2-3 hours kaming nag-usap dahil may kadramahan na namang nangyari, sa totoo lang, dapat di ko to kinkwento eh, pero okay lang. Wapakels sya. haha. Di nya naman to blog tsaka isa pa, wala din namang nagvivisit sa bloggie ko. haha.

Ayun, minsan nga napipikon na ko sa kanya, minsan di na lang ako makahindi kasi friend ko sya, tsaka ayw kong may nagtatampo sakin, eh ayun, halos everynight ko na syang kausap sa phone. O diba? Ang epal. Lagi kasi, pag katext ko yun, eh di sasabihin nya kung puede daw tumawag. Ganun, eh ako naman, mag dadahilan, hahanap ng alibi. Sasabihing andito ang nanay ko, napagalitan ako, at kung anu-ano pa para lang hindi mabawasan ang oras ko sa pakikipag-usap sa kanya, kahit na minsan eh, gusto ko din namang kausap sya, kasi close kami. Di ko lang masabi sa kanyang "DI NAMAN PUEDENG LAHAT NG ORAS KAUSAP KITA SA PHONE DIBA?" ayun, tapos pag sinasabi ko naman sa kanyang kesyo di puede ganun. Sasabihin naman nyang may sasabihin lang sya. Ganun. Tapos mapapatagal na naman ang usapan. hay. Kasalanan ko rin diba? Kung bakit kasi hinahayaan ko. *Grr* Tapos, lagi pa kong dinadramahan nun. Na kesyo, ayaw na daw nya, eto na daw ang tamang time para magpaalam na sya, ganun. Na syempre, nasasaktan na din sya, nahihirapan daw ako, pang gulo lang sya sa buhay ko, at kung anu-ano pang kadramahan. At malalaman kong bukas, kakausapin nya ulit ako.. at sasabihin nyang...


DI NYA KAYA.

O diba? What the?

Nakakainis. haha. Nung Tuesday nga, nagbalak pa pala yun na iwasan ako, kaya ang tahi-tahimik sa classroom, para daw mas mabilis nya kong malimutan. Ayun, tumawag sa bahay, syempre, dramahan to the max. AYun, tapos malalaman mo, tatawag ulit sya. Okay na sya ulit. Grr. Nakakainis. Basta, bahala na sya sa buhay nya, ako, ginawa ko na ang lahat para ipagdukdukan sa kanyang wala na syang pag-asa. Kasi bata pa ko, ilang beses ko na syang pinrangka pag tinatanong nya ko, ayaw kong makasakit ng tao, pero puede ba? Hindi na tama yung umasta syang ganun diba? Di na tamang magfeeling syang napakaimportante nya para sakin. Oo, importante sya, kaibigan ko sya eh. Pero puede namang magpakahumble sya at wag mag-expect na talagang napakahalaga nya sakin. hay. Nakakabadtrip. Di ko na lam. Feeling nya, merong KAMI pero wala naman. (Yun yung nakikita ko, sa mga pagtatampo nya) hay. Ang ewan mo "M" nakakainis ka. BAKIT PA KASI AKO PA? MADAMI NAMAN DYANG IBA? NAGPAPAKATANGA KA NGA BA? BATA PA TAYO'T DI PA ALAM ANG TUNAY NA KAHULUGAN NYAN. BAKIT BA PINAGPIPILITAN MO SAKING NARANASAN MO NA TALAGA. EH KUNG ANG MGA KINIKWENBTO MO NGA SAKIN AY DI KAPANI-PANIWALA? GUSTO KONG BATUKAN KA, GUSTO KONG SABUNUTAN KA, KUNG PUEDE LANG. PARA MATAUHAN KA NA.

Haha. Alam ko, wala akong karapatang sabihan sya ng ganun. Alam kong, kahit ako, di pa alam ang ibig sabihin nun, pero sa ngayon.. ALAM KONG TAMA AKO. ALAM KONG BATA PA KO MASYADO. ALAM KONG DI KO SYA GUSTO. ALAM KONG IBA ANG MAHAL KO.

"M" BAKIT BA DI MO MATANGGAP NA IKAW AY TALO?? MAY IBA NAKO. alam kong wala akong patutunguhan sa pagpapantasyang balang araw ay magugustuhan din nya ako, pero masaya akong, kahit papano ay napapangiti nya ko. Alam kong walang kwenta tong nararamdaman ko, alam kong may iba syang mahal at iyon ay hindi ako. Ni minsan, di ko inisip na ang panaginip ko'y magkakatotoo. Pero masaya akong nararamdaman ko ito. Wala akong pakelam kong may iba syang gusto, sapat na sakin, ang napapangiti nya ko.

TGIF

Yay. haha. How are you guys? Ang tagal kong di nakapag-update. I'm so busy with school stuffs. haha. Kelangang magpakagenius, 3rd year na eh. haha. Yun. We watched El Fili at UP Diliman kanina, tapos pumunta dun sa museum. Ang saya naman eh. haha. Sorry walang pics, rawr. Kainis, di kami pinayagang magdala ng cam and phone. Or any other gadgets. Kahit MP3 di puede. Kamusta naman yun? Wala kaming ginawa sa jeep kundi magkwentuhan at food trip. haha. Kahit na ang sikip sikip namin dun. Sa totoo lang, yung byahe namin papunta dun eh di masyadong maganda. May napaiyak pa ko, yung new student, Sheesh. Napaka sama ko. Grabehan. Kalahati ng byahe namin natahimik na lang ako, ayaw ko kasing katabi sya. Eh ayun, haha, Pinipilit kong tumabi sakin yung seatmate ko, ayun na"hurt" daw sya, at umiyak. Syempre, nagsisi din ako dun sa ginawa ko, ang arte ko kasi. haha. Kelangang namimili pa ko ng katabi. Pero naging okay naman kami pagkatapos nyang umiyak. Nakapagsorry naman ako, at patuloy na tumabi sa kanya kahit na di na ko makahinga. :X haha. Ayun, naghintay pa kami bago makapasok para manuod. Pero sulit naman eh, haha. First time kong makakita ng artista sa personal. ANg weird noh? Pero totoo. haha. Nakakakita ako ng mga celebrities (sports tsaka kung sino-sino pa) pero di pa ko nakakakita ng artista sa personal. Haha. Ang galing galing noh? Ang dami pang cuties dun. Malulula ka sa dami. (haha. Tigil na thea. Napaghahalataan ka) Ayun, after nung play, kumain na kami ng lunch, tapos nag kwentuhan, sabay labas naman nung Kurt, sya yung dancer dun. Alam ko sumasayaw din sya sa tv. Gosh, he's a hottie. Sobrang gwapo and macho nya. Ang lakas talaga ng dating, yung mga di mo aasahang mapapatili samin, nagtiliin. Tapos sunod na lumabas si Frankie (Sya yung dun sa PBB na naging date ni Olyn, tsaka tallest Filipino ata? 7'3 sya. Gosh. Ang tangkad nya. Supeer.) Kahit yung pinakamatangkad sa klase namin eh nanliit sa kanya. Supeer laki nya. Pero parang ang bait nya, haha. Di tulad nung iba. Katulad nung yung si "Basilio" haha. Sobrang Suplada. Nakakapikon. Pero okay lang, haha. connection naman namin sa kanila diba? Ayun. Pagkatapos nun, nagpunta kami sa Museum. Ang gaganda ng mga paintings dun, pati yung mga collections ni Jose Vargas (Yun ata ang pangalan nya, basta Vargas yung apelyido nya) hehe. Tapos nag gala gala sa UP after nun, at umuwi na. Grabe, nakakahilo sa jeep. :P Umiikot na sikmura ko sa mga pagkaing nakain ko at sa laging pabiglang break ni manong driver. Kamusta naman yun diba? haha. Kaya Natulog na lang ako, kahit di naman natulog talaga. Natutuwa ako nun kay BF, kahit na alam kong wala lang ako sa kanya, yung mga salitang naririnig ko, okay na rin. Kahit sinasabi nya yun dahil classmate nya lang ako, okay na. Kasi, hiniram nya kay Gelie, yung pamaypay, eh nasa harap namin sya, ayun. Pinapaypayan pa rin ako, kasi nga di na masyadong maganda pakiramdam ko nun, tapos sa tuwing may manghihiram nung pamaypay eh, sinasbai nyang hanginan ako. Wala lang, parang kahit minsan, ang sarap magfeeling na he cares fopr me, kahit na ang tingin nya lang sakin eh kaibigan nga lang. Tapos ayun, pag bumabangon ako, laging may tanong kung okay lang ako. Kesyo ganun. Haha. Ang saya, di nya lang alam habang natutulog ako, at nakayuko, Nakangiti ako kasi, alam kong nandyan lang siya. Tapos ayun, basta. Haha. Ang saya, natutuwa ako sa kanya, btw, kahit monthsary nila ng gf nya, masaya parin ako, haha. Happy Monthsary Bf! Sa inyong dalawa ng gf mo. Sana magtagal pa kayo, kasi kung san ka masaya, sasaya na rin ako. Kahit na medyo may. *ehem* *ehem* ewan. Di ko alam, okay na sakin yun, tanggap ko naman na close na talaga sila. :X haha. Basta masaya ako, tsaka nakapagbonding din kami ni Gelie ngayon, kasi buong oras ata sya ang kasama ko, kasi yung mga kabarkada ko, iba iba na ang kasama. haha. Feeling ko nga kahit "AYos na kami" ng mga kabarkada ko, nahati pa rin kami. Rawr. Karmahin kayo Ceris 3 girls! haha. Ang bad. Basta. Okay na yun, basta di nila kami inaaway walang mangyayaring gulo, itatry ko na sa susunod na magsalita oras na may saktan samin. Grrr. Lalo ka na Dalandan! rawr. haha. Yun lang. Mamaya na lang yung iba ko pang kwento. hehe.